Patawarin

34 3 0
                                    

Patawarin mo ako

Kung patuloy akong lumalapit

Kahit sinasabihan nila ako

Na kailangan kong lumayo

Patawarin mo ako

Kung hindi kita kayang iwasan

Dahil sa tuwing ika'y nandiyan

Hindi napigilan ang nararamdaman

Patawarin mo ako

Kung mayroon pang nadarama

Kahit sinasabi ko sa lahat

Na ito ay tuluyan nang nawala

Patawarin mo ako

Kung hanggang ngayon

Ikaw pa rin

Ang gusto ng puso

~Patawarin

@IamQueenMoon

NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon