Ayoko Na

23 2 0
                                    

Ayaw ko na nang ganito

Pagod na pagod na ako

Lagi na lang ako nahuhulog sa kung kanino

Pero ni isa sa kanila hindi ako sinalo

Ganito ba ako kamalas sa pag-ibig

Na kada mararanasan ko ito mayroong pighati

Kailangan bang lagi akong masaktan?

Nang dahil lamang sa pagmamahal

Bakit ba nagagalit ang tadhana sa akin?

Ba't hindi niya ako kayang patawarin?

Ano ba ang nagawa ko kay Kupido?

Para ipana sa iba ang minamahal ko

Nasasaktan na lang nang paulit-ulit

Mukhang hindi ako gusto ng pag-ibig

Ako'y pagod na pagod at nagsasawa na

Masyado nang masakit, ayoko na

~Ayoko Na

@IamQueenMoon

NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon