Ano ba ang laban ko
Sa mga babaeng lumalapit sa iyo?
Ano ba ang laban ko?
Sa mga babaeng nakikita mo?
Ano ba ang laban ko
Sa mga babaeng nababasa
At laging nauunawaan ang mensahe
Ng iyong mga mata?
Ano ba ang laban ko
Sa mga babaeng napapatawa ka?
Kaya sobra ang iyong mga ngiti
Kung sila ang iyong mga kasama
Ano ba ang laban ko
Sa mga babaeng ubod ang ganda
At may ngiti, awra at karisma
Na hindi mo kayang tanggihan?
Ano ang laban ko
Sa mga babaeng karapat-dapat
Karapat-dapat ingatan, alagaan
Hindi mo dapat saktan at iwan?
Ano ang laban ko
Sa mga babaeng tulad nila?
Sila'y 'di maitatanggi na enkantada
Habang ako ay isa lamang basura
Kahit ano ang gawin ko
Wala akong laban sa kanila
~Walang Laban
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems