Pamilyar na ang ganitong linyahan
Yung mga pinakilig bilang kaibigan
Ang akala niyang may patutunguhan
Kilig lang pala at hindi pangmatagalan
Iba ang kanyang ipinaparamdam
Kaya akala niya'y siya ay minamahal
Lagi siyang binabati't kinakamusta
Napapatawa rin siya sa mga biro niya
Siya yung nakakausap niya buong umaga
Pati na sa hapon ay nakakaharap niya
Naramdaman niya ang kanyang importansya
Sa tuwing siya ang kanyang nakakasama
Pero nag iba ang kanyang pananaw
Nang mayroon siyang kakaibang natanaw
Ito ang pinakamasakit na tanawin
Na pwedeng makita ng taong may damdamin
Ito ay ang makita ang pinakamamahal niya
Na kasama at masaya sa piling ng iba
Doon niya nalamang nanghiram lang pala siya
At ang tunay na may-ari ay dumating na
Doon rin siya nagising sa katotohanan
Mula sa isang matinding kasinungalingan
Tatanggapin na lang kahit masakit man
Na pinakilig lang siya, hindi minahal
~Pinakilig Pero Hindi Inibig
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems