Natatakot ako
Natatakot ako na baka ang mga bagay ay magbago
Natatakot ako
Natatakot ako na baka magkalabuan ulit tayo
At dumating sa punto
Na hindi na natin muli pang maayos ito
Natatakot ako
Natatakot ako na baka wala ka nang nararamdaman
Natatakot ako
Natatakot ako na baka iyon ang dahilan
Na ako ay iyong iwan
At wala na tayong alaala na babalikan
Natatakot ako
Natatakot ako na baka ikaw ay umalis nang walang paalam
Natatakot ako
Natatakot ako na baka ako ay bigla mong iwan
Labag man o hindi sa iyong kalooban
Alam nating kailangan mong lumisan
Natatakot ako
Natatakot ako sa mga maaaring mangyari
Natatakot ako
Natatakot ako sa bawat minuto, bawat saglit
Na baka ang saya ay agad palitan ng pighati
At maging dahilan ng pangmatagalang sakit
~Natatakot Ako
@IamQueenMoon
![](https://img.wattpad.com/cover/200230991-288-k343773.jpg)
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems