Simula pa noong una
Alam kong wala nang pag-asa
Ako lang naman ang patuloy na umaasa
Ako lang naman ang nagpapakatanga
Ganyan ako kabobo sa pagmamahal
Lahat binibigay kahit walang kasiguraduhan
Sumusugal pa rin kahit malabo
Kahit alam na hindi mananalo
Pero naisip ko na siguro tama na
Ang pagkakatanga ay tatantanan ko na
Sa huli ako rin naman ang kawawa
Ako lang ang masasakta't mangungulila
Bubuksan ko na ang isipan at mga mata ko
At hindi basta-basta magpapadala sa puso
Titigilan ko na ang kahibangan na ito
Hanggang dito na lang, mahal ko
~Hanggang Dito Na Lang
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems