Tingnan mo ang iyong paligid
Pakinggan ang sinasabi nila
Na hindi siya para sa'yo
At hindi ka para sa kanya
Tingnan mo ang mga resulta
Ng iyong pagpapabaya
Dahil sa kanya mo ibinuhos
Ang oras, ang atensyon, ang lahat
Tingnan mo siya sa mata
At sabihin mo sa kanya
Ang tunay mong nararamdaman
Nang sa ganoon ay matauhan siya
Na kahit sawa, pagod, at nasasaktan na
Hinding-hindi ka sumuko sa kanya
Patuloy mo pa rin siyang ipinaglalaban
Kahit wala kayong kasiguraduhan
Sa huli ay tumingin ka sa salamin
Tingnan mo ang iyong sarili
Dahil ang taong iyan ang karapat-dapat
Na iyong minamahal at pinaglalaban
~Tingnan Mo
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems