Bakit hindi mo kayang maintindihan
Ang mga katagang hindi ka n'ya mahal
Bakit ba hindi mo s'ya kayang iwasan
Layuan, pakawalan at kalimutan
Alam mo naman na mula pa no'ng una
Walang kayo at wala ka nang pag-asa
Malayo ang loob n'yo sa isa't isa
Mas lumayo pa pagdating sa distansiya
Alam kong alam mong may mahal s'yang iba
Habang ika'y nasasakta't umaasa
Na masaya s'ya sa piling ng mahal n'ya
Habang ikaw nama'y iniyakan s'ya
Bakit ba kasi 'di mo kayang tanggapin
Katotohanang 'di ka n'ya mamahalin
Kaya pakiusap h'wag mo nang pilitin
Katangahan sana ay iyong tapusin
Sana alamin mo ang iyong halaga
H'wag ka na sanang magpaka-desperada
Sarili mo ay h'wag mo nang sasaktan pa
Nakikiusap ako sa'yo, tama na
~Tama Na
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems