Wala Ba?

28 2 0
                                    

Mama, papa

Wala ba kayong nakikita?

Wala ba kayong nararamdaman

Sa tuwing tayo'y nagkukwentuhan?

Wala ba kayong ideya?

Tungkol sa aking pagpupuyat sa gabi

Wala ba kayong narinig na balita

Tungkol sa mga isyu at sabi-sabi?

Wala ba kayong nakikitang kaduda-duda?

Na namamaga na ang aking mga mata?

Na ako ay laging tulala

Kahit mayroong ginagawa?

Wala ba kayong napapansin?

Na siya ang lagi kong bukambibig?

At mula umaga hanggang gabi

Siya ang aking iniisip?

Wala ba kayong kaalam-alam

Na ngayon, ang anak niyo'y nasasaktan?

Na ang prinsesa na inyong kaingat-ingatan

Ay may lalaki na iniiyakan?

~Wala Ba?

@IamQueenMoon

NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon