Walang Tayo

14 3 0
                                    

Walang tayo

Oo, alam ko

Pero bakit ba ako umaasa sa'yo

Na mamahalin mo ako

Siguro napapaisip ka

Kung bakit ako nagpapakatanga

Pero bakit nga ba?

Dahil ba mahal kita nang sobra?

Umiiyak ako kasi wala ka

At kahit lagi kitang naaalala

Hindi kita nakikita

Ang sakit 'di ba?

Kung nababasa mo man ito

Baka dedma lang ito sa'yo

O baka tinatawanan mo

Kasi naman, ang tanga tanga ko

Kaya heto ako

Pinapasok sa isip ko

Na walang tayo

At iba ang mahal mo

~Walang Tayo

@IamQueenMoon

NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon