Kyla Sanchez's P.O.V
Nakatingin ako ngayon sa teacher namin ngunit hindi nakikinig. What's the use? It's already the last day of our school year and yet she's still teaching something I didn't know and I don't want to know.
Last day na naming magkakasama sa classroom dahil ga-graduate na kami ng highschool at aaminin ko na wala naman yatang magandang nangyari sa highschool life ko bukod sa nakilala ko silang tatlo.
Simula noong nakilala ko sila ang dating Flight Attendant na pangarap ko ay tila ba isang eroplano na unti-unting naglalaho sa mga makakapal at malalaking ulap. At ang ulap na iyon ay silang tatlo.
Lumaki ako na walang kaibigan, walang kabiruan, walang tumutulong, walang nag-aalala, walang mang-iinis,at walang nagyayaya ng gala.
Kaya huwag ninyo akong sisihin kung ang pangarap ko ay magkaroon lang ng kaibigan. Kung pangarap bang matatawag iyon.
Nakakabaliw kapag wala kang maka-usap sa problema at sa mga magagandang bagay na nangyari sa iyo. Sobra...
▪▪▪
"Class! Let's take a last picture before the ceremony starts!" Tinawag kami ng adviser namin para mag picture.
"Nasaan ang iba? Tawagin ninyo! Mahabaging maria!" Naiistress na sabi ng baklang adviser namin. Kaya nagtawanan kami. He--she never failed to make us laughed HAHAHAHA.
"Matte! Late ka na naman! Picture muna pre bago ma haggard!" Binatukan ni Matte ang kaibigan bago umayos ng tayo.
Si Matte Davis, ang isa sa tatlong tao na pinapangarap kong maging kaibigan. Sounds funny right? Pangarap maging kaibigan Ha! Pero seriously may nakita ako sa kanya na kapag mag kaibigan ba kami...poprotektahan niya ako? Mag-aalala ba siya kapag may nangyari sa akin? Dadamayan ba niya ako sa mga problema ko? At last papahalagahan at iingatan ba niya ako kung ano at sino ako? Actually once ko na siyang naging crush at iyon ay dahil sa parehong mga dahilan.
"Dariel Bernardo! Mamimiss kita babe! Huhu!" Niyakap pa siya ng bestfriend niya.
"Eww! yuck! Napaka-baduy!" Nandidiring humiwalay si Dariel sa bestfriend niya at tumabi sa kabilang dulo kung nasaan makakatabi niya si Matte.
"Babe! Tabi tayoo!!"
Dariel Bernardo is a wholesome! I mean kaya ka niyang patawanin gamit lang ang mukha niya at kahit walang ginagawa. May pagka-badboy 'yan na kapag galit siya damay pati ang buong klase, pero mabait yan lalo na sa mga babaeng nagugustuhan niyan, ibinibigay talaga ang lahat ng kaya niyang ibigay.
"Teka! Hahagilapin ko po muna si Zai!" Tumakbo ang kaibigan ni Ma. Zai somewhere para hanapin siya.
"Teka papa-print pa ako ng poster..Missing Ma. Zai Mendoza, call us.."
"Nakita niyo po ba itong babaeng 'to? Ilang minuto na po kasi siyang nawawala." Ipinakita pa ng kaklase ko ang picture ni Ma. Zai sa dumaang bata.
"Hoy! Nakatingin sa 'yo yung nanay,"
"Oh game na!" Hinihingal na sigaw ni Ma. Zai at pumwesto sila sa gilid ko kung saan may mayroon pang space. Ngumiti ako sa camera at hinayaang lumipas ang oras.
Si Ma. Zai Mendoza, siya naman yung babaeng parang walang problema, masayahin siya at...palaging nawawala HAHAHAHA. Bakit ko siya naging pangarap.. na maging kaibigan when there is nothing special to her? My answer is simple. Simpleng tao lamang si Ma. Zai, mababaw ang kaligayahan,parang ang gaan- gaan ng pamumuhay niya, parang alam niya ang gagawin niya, alam niya ang solusyon sa mga problema niya, at higit sa lahat alam kong behind those smile may lungkot na naka-tago that's why I want to keep her.
Pero wala naman akong ibang magawa kundi ang mangarap..
Actually abot kamay ko naman sila eh, bakit hindi ko sila mahawakan?
Kasi madaling sabihin, sobrang hirap gawin.. mahirap namang masabihang feeling close hindi ba? Baka sabihan pa nila ako ng malandi kapag lumapit ako kila Matte, baka itaboy nila ako, i-bully, pagtawanan at lahat ng shame words ay maranasan ko.
Ako kasi yung tipo na babaeng hindi magugustuhan ng lahat, kaya hindi ko din magustuhan ang sarili ko. Pinapaniwala ng mga taong nakapaligid sa akin na wala akong halaga, na walang magkakagusto sa akin kahit bilang kaibigan man lang, walang lumalapit para mag stay. Pero pinapaniwala ko ang sarili ko na baka hindi pa ito ang oras. The more na maghihintay ka, the more na magiging maganda ang kalalabasan. But one thing is a fact I am just a kid and nothing special about me.
"Congratulations, Graduates!!" Nabalik ako sa reyalidad noong sumigaw ang emcee, indikasyon na dito na nagtatapos ang highschool life namin.
Sabi nila masaya daw, para sa akin slight lang hehe...
Nagkagulo na ang mga schoolmate ko, nagpi-picture, yung iba uuwi na, nag-iiyakan, sobrang gulo pero sobrang sarap sa pakiramdam. Finally!
Imbis na ang mga magulang ko ang hanapin ko ay silang tatlo agad ang hinanap ng aking mga mata. Mga labi ay nakangiti, masaya sa natanggap gaano man ito kaliit o kalaki. Ang mahalaga ay nakarating sa paroroonan..
Hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita pagkatapos nito. No one knows.
Pinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko sila kakalimutan at magkakaroon sila ng napaka-laking puwang dito sa puso ko.
Napaka-special nila sa akin even though I am just nobody to them. Sounds funny right? Right? Yung pangarap ko is magkaroon lang ng kaibigan haha..
Our friendship didn't start but will end here. Because it is Pie in the Sky.
Enjoy!!
-Imaginary_Girl
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasy"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...