"Kahit ba ang mga halik ko ay hindi sapat upang pigilan ka?" ani Cholo na isiniksik ang mukha sa leeg ng kasintahan.
Ngumiti si Erika at iniiwas ang sarili. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakahalik sa akin?"
"Nagsasawa?" Si Cholo na kumawala sa kasintahan. "You must be joking. Isiping ang pinahihintulutan mong gawin natin ay hindi na hihigit sa magyakapan at maghalikan!"
"At isiping hindi ka pa kontento roon! Marry me, Cholo, at lahat ay may pass ka na para gawin."
Napaungol ang lalaki at dramatikong napahawak sa noo. "And what will happen to all the girls who wanted me just as much as you do?"
Bahagyang sumimangot ang dalaga. Kinuha ang brush sa handbag at nag-brush ng buhok.
Muli siyang kinabig ni Cholo. "Nagbibiro lang ako nagtampo ka na agad."
"Hindi ko gustong isiping bukod sa akin ay mayroon pang iba, Cholo," seryosong pahayag ng dalaga.
Tumikhim ang lalaki. "I'm all yours, darling."
"Marry me then." Tila nagsusumamong tumingin siya sa kasintahan.
Nagsindi ng sigarilyo ang lalaki. Sumandal sa desk. "Darating tayo roon, Erika. Pero hindi pa ngayon. Kasalukuyang gumagapang paitaas itong center at hindi ko pa kayang ipagmalaki sa iyo."
"Oh, Cholo, I don't mind. 'Pag nakasal tayo ay madadagdagan ko ang capital mo. Maaari ka nang makipagsabayan sa malalaking slimming centers."
"Iyan ang hindi ko gustong mangyari, Erika," medyo pagalit nitong sabi. "Alam kong may pera ka at ayokong isipin ng mga tao na pera mo lang ang dahilan kaya nagpakasal ako sa iyo."
Niyakap ni Erika ang kasintahan. Inihilig ang mukha sa dibdib nito. Isa iyon sa maraming pagkakataon na naiisip niyang sana ay wala siyang pera at sana ay ordinaryong empleyado lang siya.
"Ikaw at ang walang kakuwenta-kuwenta mong pride, Cholo. 'Pag mag-asawa na tayo, ang pera ko ay pera mo na rin. At kung hihintayin mong maging katulad ng kompanya namin ang slimming center mo, then I guess pareho nang maputi ang buhok natin bago tayo makasal."
Marahang natawa ang lalaki. "Huwag kang mainip, darling. Bakit ka nagmamadali gayong mga bata pa naman tayo? Lalo ka na, twenty-two ka pa lang. Ako, nasa prime of my life, thirty-four and..."
"Dapat na may pamilya at mga anak..." salo ng dalaga.
"O sige, Erika. Bigyan mo ng panahon ang center, at least isang taon. By that time ay may maipagmamalaki na ako sa iyo."
"You're bargaining." Tiningala niya ang kasintahan at may pag-asang naramdaman.
"At least stable na itong negosyo ko at walang masasabi ang mga tao sa akin."
"Oh, Cholo, mahal lang kita kaya gusto kong makasal na tayo. Pero sige, isang taon kung isang taon."
"Good girl. Now, shall I drive you home?"
"And take a taxi back here?" Umiling ang dalaga. "No, thanks."
Ilang sandali pa ay tinatahak na ng dalaga ang EDSA patungong Corinthian Gardens. Kahit paano ay nagagalak siyang nangako si Cholo. At least something she could look forward to. Madali nang lumilipas ang panahon.
Apat na buwan na silang magkasintahan at mahal niya si Cholo. At nararamdaman niyang mahal talaga siya nito. Kaya nga lang, mataas ang pride nito.
Napangiti siya. At least ay walang masasabi ang mommy niya at si Nico sa kasintahan niya kung saka-sakali. Nagkakilala na ang mommy niya at si Cholo nang minsang ihatid siya nito at palabas naman ang kotse ng mommy niya ng gate.
BINABASA MO ANG
Only You (COMPLETED)
RomanceMaari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damd...