NANG hapong iyon ay niyakag ni Erika si Nico na bumaba sa pool. Pumayag ito at naisipang maglangoy. Hindi nagtagal ay dumating ang ilang empleyado na dumalaw kay Nico. Nagkaroon ng munting picnic sa poolside.
Iniwan ni Erika ang asawa sa piling ng mga nagkakatuwaang empleyado at pumanhik sa silid nito upang ihanda ang tuyong bihisan nito. Iyon ang unang pagkakataong nabuksan niya ang closet nito. Kung sa bagay, mula nang makasal sila ay mas mahaba pa ang itinigil niya sa ospital kaysa sa bahay.
Binuksan niya ang unang drawer sa pag-aakalang naroon ang briefs nito. Sa halip ay mga papeles ang naroon. Nakilala niya ang nasa ibabaw bilang ang marriage contract nilang dalawa. Inangat niya ito nang matuunan ng pansin ang isang picture frame na nakataob. Maingat niya itong dinampot at bumulaga sa kanya ang larawang kilalang-kilala niya.
Siya! Noong graduation niya sa elementary! Ganito ba siya ka-cute noong maliit pa siya? Wala sa loob na napangiti si Erika. Nang biglang maisip kung bakit naroon sa drawer ni Nico ang litrato niya noong dose anyos pa lamang siya. Wala siyang natatandaang dinala niya ito.
Muli niyang sinipat ang picture frame. Naalala niyang kasama ito sa mga family picture na naka-display sa isang antique table sa family room ng mansiyon. Bakit nandito ito? Maingat niyang ibinalik ang larawan sa drawer at muling ipinatong ang marriage contract nila.
Pagkatapos ay dinampot ang telepono sa ibabaw ng night table. Tatawagan niya si Eloisa.
"Hello, Mommy..."
"Erika? Napatawag ka? May problema ba?"
"Wala, Mommy. May gusto lang akong itanong sa inyo."
"Tungkol saan, hija?"
"'Ma, naalala mo ba iyong photograph ko noong graduation ko sa elementary? Ikaw pa nga ang kumuha n'on, eh. Iyon bang nasa family room."
Sandali lang nag-isip si Eloisa. "Oh, yes. Naaalala ko na. Matagal nang wala rito iyon, hija."
"I know, Mom. Nandito. Nakita ko sa drawer ni Nico."
"Why of course. Hiningi sa akin ng asawa mo iyan a long, long time ago. That was before he left for the States para mag-master's."
Hindi makapaniwala si Erika sa narinig. "Hiningi sa inyo ni Nico ang litrato kong iyon ten years ago? Mommy, bakit daw?" Para na niyang nakikita ang pagkibit ng balikat ni Eloisa.
"Hija, nandiyan ang asawa mo. Bakit hindi siya ang tanungin mo?"
"S-sure... I'll call you back, Mom. Bye.'" Palaisipan iyon sa kanya. Ano ang dahilan ni Nico at hiningi nito ang litrato niya noong maliit pa siya?
Tatanungin niya ito mamaya.
BINABASA MO ANG
Only You (COMPLETED)
RomansMaari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damd...