Chapter 5

37.3K 762 13
                                    


Nagpupuyos ang loob na nilapitan niya ito.

"Ano ba ang gusto mong palabasin? Bakit hanggang dito ay sinusundan mo ako!" bulyaw niya.

Hindi sumagot si Nico. Sa halip ay kinuha ang bag niyang hawak at dinukot doon ang susi ng kotse niya. Humakbang ito patungo sa guwardiya, iniabot ang susi rito pagkatapos magbilin, saka muli ring bumalik sa kinatatayuan niya.

Hinawakan nito ang braso niya at hinila patungo sa passenger seat ng Land Cruiser. "Sumakay ka na!"

"Ano'ng karapatan mong gawin sa akin ito, Nico? Ama ba kita?" hiyaw pa rin niya na pilit umaalpas sa pagkakahawak ng binata.

"Huwag kang gumawa ng eksena, Erika. I can always haul you inside. Ang mabuti pa ay sumakay ka na," mahinahong utos nito.

"Hindi ako sasakay rito! May sarili akong kotse! For heaven's sake, I can't believe you're doing this to me!" ang tila naghi-hysteria niyang sabi.

"Don't worry about your car, Erika. May kukuha niyan mula sa opisina. Now, bubuhatin ba kita o sasakay ka nang kusa?" Naroon ang matinding pagpipigil sa tinig ng binata.

Kulang na lang ay maglabasan ang apoy sa mga mata ng dalaga sa galit. Pumasok siya sa sasakyan at ubos-lakas na ibinagsak ang pinto. Sumunod sa kabila si Nico. Papalabas na sila ng parking area nang matanawan niya si Cholo na nakatayo sa tabi ng guwardiya.

Kinapa ng dalaga ang door handle. Gusto niyang lumabas ng Land Cruiser at tumakbo sa mga bisig ni Cholo.

"Don't be a fool. Erika," warning ni Nico.

Malayo na sila'y lumilingon pa si Erika. Saka pa lang niya inalis ang mga mata mula sa katipan nang makaliko sila sa isang intersection.

Nagliliyab ang mga matang binalingan niya si Nico.

"Ipaliwanag mo sa akin ang ginawa mo, Nico! And it better be good!"

Hindi sumagot ang binata pero inabot ang maliit na compartment sa tapat ni Erika at binuksan ito. Kinuha roon ang isang di-kalakihang brown envelope at ibinaba sa harap ng dalaga.

"A-ano ito?"

"Buksan mo."

Nahalinhan ng matinding kaba ang galit sa dibdib ni Erika. Pakiramdam niya ay narinig ni Nico ang tambol ng dibdib niya. Napapikit siya at sumandal.

Not again, please! Not this time, not Cholo! I really love the man! tahimik niyang usal. Ilang sandali muna niyang pilit na kinakalma ang sarili bago sa nanginginig na mga kamay ay unti-unting binuksan ang envelope. May ilang pirasong papel sa loob at mga litrato. Lalong sumidhi ang kaba niya. Marahan niyang hinugot palabas ang mga litrato at tiningnan. Halos mawalan ng kulay ang mukha niya sa larawang bumungad sa kanya. Inisa-isa niyang tingnan ang mga ito.

"No! Hindi totoo ang mga ito!" Halos walang tinig na lumabas sa lalamunan niya. Paulit-ulit niyang pinagmasdan ang mga larawan.

"Pa... papaano mong...?" But that was a stupid question. Knowing Nico ay walang imposible rito. Pero sinagot ng binata ang nabitin niyang tanong.

"I hired a private investigator, Erika."

Hindi mapigil ng dalaga ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. "I hate you, Nico!"

"So, what else is new?" sagot nito na sinabayan ng buntong-hininga. "Sanay na ako sa sinasabi mo. Erika. Hindi ko rin inaasahang pasalamatan mo ako sa ginawa ko sa ikalawang pagkakataon!" Idiniin nito ang huling sinabi.

Tuloy sa pag-iyak ang dalaga. Hindi niya gustong umiyak sa harap ni Nico pero hindi niya mapigil ang bugso ng damdamin. Dinukot ng binata ang panyo nito sa bulsa at inilapag sa harap niya.

"Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng karapatang gawin sa akin ito! Kung inaakala mong ikinatutuwa ko na sa tuwina na lang ay naipapamukha mo sa akin ang kagagahan ko, puwes, nagkakamali ka! And I love that man!"

"Nasabi mo na sa akin iyan," malamig nitong tugon.

"Hindi na kita gustong makita pa, Nico! And please, tigilan mo ang pagpapasubaybay sa akin!''

Ipinarada ng binata sa tapat ng mansiyon ang sasakyan. Hindi agad bumaba si Erika na pinahid ang mga luha.

"Baka pati sa bahay ay may espiya ka. Oh, kakampi mo nga pala ang mommy..." patuyang dagdag ng dalaga nang hindi sumagot ang binata sa unang sinabi.

Bubuksan na lang niya ang pinto nang magsalita si Nico.

"Hindi mo suot ang stockings mo, Erika," marahang wika nito. "Matagal na bang walang silbi ang laman ng envelope na iyan?" Lungkot at galit ang nahimigan niya sa tinig nito. At pinamulahan siya ng mukha nang masakyan ang sinabi ng binata.

Muli niya itong hinarap at sa sama-samang emosyon ay pinagsusuntok niya si Nico.

"Oh, I hate you! Really hate you!" At muling nag-iiyak habang dalawang kamay niyang sinusuntok ang binata. Hindi kumikilos si Nico at ilang sandali ring pinabayaan siyang ibuhos ang sama ng loob niya rito.

Nang tumigil siya ay marahan siyang kinabig nito sa dibdib. Itinaas nito ang kanyang mukha at pinahid ng kamay ang mga luha sa pisngi niya. Pagkatapos ay dinampian siya ng halik sa mga labi. So soft and gentle na lalo lang nagpadagdag sa habag niya sa sarili.

Bago pa muling tumulo ang luha niya ay mabilis siyang kumawala mula rito at bumaba ng sasakyan. Halos patakbong pumasok sa gate at papasok sa mansiyon.

Hindi bumaba para sa hapunan si Erika nang gabing iyon. Nagkulong at nag-iiyak siya sa silid niya. Tinitigan ang envelope sa ibabaw ng kama. Kailangang siya mismo ang makapagpatunay ng mga iyon.

Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon