Chapter 3

40.4K 816 12
                                    


Kinabukasan sa opisina ay tinawagan ng dalaga ang boyfriend niyang si Cholo.

"Erika, darling..." sagot ng nasa kabilang linya.

"Libre ka ba mamayang hapon? Sunduin mo ako and let's dine together. Babalikan ko na lang ang kotse ko pagkatapos."

"Hmm, let's see..." Sandali itong nag-isip. "Dumaan ka na lang dito, sweetheart. Hindi ako sigurado kung anong oras ang tapos nitong customer ko mamayang hapon. I scheduled this special session for her."

"Iyan bang 'her' na iyan ay spring chicken o inahin?" biro ng dalaga.

"You're jealous!" Tumawa ito. "Si Mrs. Alfonso ang schedule ko mamaya, sweetie. Hihintayin kita, okay?"

Pagkababa ng telepono ay sumandal sa swivel chair niya si Erika. Sana'y tanggapin ni Cholo ang alok niyang tulong at magpakasal na sila. Kinakabahan siya sa nangyari. Bumalik sa isipan ang pangyayari kaninang umaga bago siya pumasok.

Nasa mesa silang mag-ina at nag-aalmusal.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Erika. Ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Nico kagabi?" tanong ni Eloisa habang naglalagay ng kape sa tasa.

"A-ano ang ibig ninyong sabihing nangyari, Mommy?" pag-iwas niya.

"Sinabi na sa akin ni Nico na gusto niyang magpakasal kayo at sumang-ayon ako. Ganoon pa man ay sinabi ko sa kanyang kausapin ka."

"Mommy! I can't believe na pumayag kayong pakasal ako sa kanya!" protesta ng dalaga.

"And why not? You will make me happy, darling, kung makakasal kayo ni Nico sa lalong madaling panahon. Alam kong magiging mabuting asawa si Nico, hija, at mapapanatag ang loob ko."

"Mommy, may boyfriend na ako at balak naming magpakasal after a year. Mahal ko si Cholo, Mommy, at mahal din niya ako. Huwag ninyong gawin sa akin ito. Wala akong pag-ibig kay Nico," pagsusumamo niya.

Tumaas ang guhitang kilay ni Eloisa. "Alin, Erika? 'Yong bigotilyo mong boyfriend na minsan man ay hindi ko nakitang pumanhik ng dalaw dito sa atin?"

"Nahihiya si Cholo sa inyo, Mommy. Nag-aalangan siya na baka hindi ninyo siya magustuhan dahil sa katayuan niya sa buhay..." depensa ng dalaga.

"Sinumang tao na malinis ang hangarin ay haharapin ang mga sirkumstansiya, Erika. At hindi ako tumitingin sa bulsa ng tao bilang sukatan ng pagkatao, alam mo iyan."

"Makikipag-usap siya sa inyo, Mommy. You just wait. Mamayang gabi, bukas, o sa susunod na araw."'

"Nevertheless, Erika. Hindi ang bigotilyong iyon ang gusto kong mapangasawa mo. Kung ako sa iyo ay puputulin ko na ang anumang kaugnayan mo sa boyfriend mo na iyon!" pinal na wika ni Eloisa.

Mabigat ang loob na pumasok siya sa opisina nang umagang iyon. Kailangang mag-usap sila ni Cholo mamaya. Pipilitin niyang makasal na sila. Kahit saan, kahit sa huwes o kahit secret marriage.

Hindi namalayan ng dalaga ang pagbukas ng silid niya.

"Daydreaming?" bungad ni Nico.

Bigla ang pagmulat niya ng mga mata. "It's none of your business! Isn't it polite to knock first bago ka pumasok sa silid ng may silid?" angil niya.

"Hindi ko alam na maaari na palang magsalita nang ganyan ang employee sa employer ngayon?" tukso ng binata. "May bago bang labor code ngayon na hindi ko alam?" patuloy nito at naupo sa gilid ng mesa niya.

"Puwede ba, Nico... iwan mo ako."

"Relax, Erika. Yayayain lang kitang mananghalian. Pasado ala-una na."

Tiningnan ng dalaga ang relo niya. Ala-una kuwarenta.

"You are really giving me pleasure na makitang suot mo ang relo na iyan hanggang ngayon, Erika." Nagniningning ang mga mata ng binata.

"W-well... to be honest, gusto ko ang relong ito. But I could easily..." Akmang tatanggalin ang relo mula sa braso subalit hinawakan ni Nico ang kamay niya.

"Huwag, Erika. It took me one month para pag-isipan kung ano ang ibibigay ko noong graduation mo. Hindi mo lang alam ang kaligayahang nadarama ko tuwing nakikita kong suot mo iyang Cartier na iyan," marahang wika nito.

Pinanlakihan ng mga mata si Erika. Naiilang siya sa softness na iyon ng tinig ng binata. Tumayo ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Marahang itinaas.

"It has been a year since I gave you that pero ni hindi ko pa narinig na pinasalamatan mo ako considering na inaamin mong gusto mo ang ibinigay ko sa iyo. I'll claim my thanks now." At bago pa nakakilos ang dalaga ay nasa mga labi na niya ang mga labi ng binata. Mainit ang halik na iyon na bagaman hindi marahas ay hindi rin naman banayad.

Wala sa loob na ibinuka niya ang mga labi na dahilan upang higit pang lumalim ang halik na iyon. Halos ginagantihan na niya ang halik nito at nang inaakala niyang natatangay siya ay huminto sa paghalik si Nico. Unti-unti ang ginawa nitong pag-angat ng ulo mula sa kanya na anupa't parang gusto niyang pigilan.

Nagugulumihang napasandal siya sa dingding. Nanatiling hawak ng binata ang batok niya at marahang hinahaplos. Dinama ng thumb finger nito ang mga labi niya... still moist from his kisses.

Bahagyang ipinilig ng dalaga ang ulo at iglap na naupo sa swivel chair.

"Lagi bang halik ang hinihingi mong kapalit sa mga ibinibigay mo, Nico?" Tumalim ang mukha niya.

"Sometimes. I seldom enjoyed it, Erika. But I enjoyed it now... with you. And I know you enjoyed it, too."

Sinikap ng dalagang maging kaswal kahit medyo nanginginig ang mga tuhod.

"I... I certainly did. Why not, you're a good kisser. Gusto ko nang maniwalang you can never do wrong. Mula sa pagpapalakad sa kompanya hanggang sa paghalik," ang tila walang anumang sagot niya.

Pumuno sa air-conditioned na silid na iyon ang tawa ni Nico. Pagkatapos ay yumuko sa kanya.

"Come on, Erika. Let's have lunch..."

"Ayokong sumama sa iyo, Nico. And please, just leave me alone!"

Nagkibit ng balikat ang binata at lumabas ng silid.

Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon