Chapter 11

39.7K 754 8
                                    


NAGISING ng umagang iyon si Erika na nangangaligkig sa ginaw. Hindi bukas ang air-conditioner pero talagang napakalamig ng hanging pumapasok sa bukas na bintana. Tumayo siya upang isara ang mga ito at muling bumalik sa pagtulog pero nagbago ang isip nang masilip ang makapal na fog na kahit sa terrace ay umabot. Isinuot niya ang terry robe at lumabas sa terasa.

Hindi niya matanaw sa ibaba ang volcano at lake sa kapal ng fog. Huminga siya nang malalim upang samyuhin ang sariwang hangin nang magulantang sa malakas na pag-splash ng tubig mula sa pool.

Sino ang nagsu-swimming sa ganito kalamig na umaga? Binaybay niya ang terrace hanggang sa dulo ng winding stairs at sumungaw.

Si Nico. Nag-dive marahil at ngayon ay pabalik-balik na lumalangoy. Nakikita niya ang galaw ng mga muscle nito sa braso at likod habang lumalangoy. Nanatili siyang nakamasid. Pagkatapos ng ilang laps ay umahon ito at kinuha ang tuwalya sa upuan at nagtuyo ng mukha.

Napahinto sa paghinga si Erika. Kauna-unahang nakita niya ang asawa na hubad maliban sa suot nitong sexy trunks. Naitago ni Nico ang magandang katawan nito sa coat and tie, sa polo shirt at slacks! Gee! Isang impersonation ni Clark sa Lois & Clark? Minus the eyeglasses.

Nakikita niya ang maninipis na balahibo nito sa dibdib. A nude man is an art. Pero kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing Nico could qualify. He could have posed for a maestro.

"How about a swim?" tingala ni Nico sa kanya sa pagkabigla niya. Kanina pa ba nito alam na pinanonood niya ito? Gusto niyang umatras papasok sa loob pero huli na para gawin niya iyon.

"A-ayoko. Malamig."

"'Pag nasa tubig ka na, hindi na. Halika na..." nakangiting anyaya nito. Minsan man ay hindi niya naisip na irresistible ang ngiti nito. Bakit ngayon?

Nag-alanganin si Erika. Kapag tumanggi siya ay iisipin nitong sadya siyang naninilip. Samantalang kung pagbibigyan niya ito ay maaari nitong isiping tinatantiya lang niya ang tubig kaya siya nakadungaw.

Bumalik siya sa loob at hinugot ang isang one-piece bathing suit. Hinubad ang pantulog at isinuot ang pampaligo. Tiningnan ang sarili sa salamin at napangiti siya. Naturingang one-piece pero just a little bit decent kaysa sa bikini niya.

"Gorgeous!" bulalas ni Nico nang makababa siya. "Kay gandang simulan ang araw sa isang magandang tanawin. Itinago ng fog ang volcano at lake but you compensated for that."

Namula si Erika. Iyon ang kauna-unahang deretsong papuring narinig niya mula kay Nico. Hindi niya alam kung paano gagawi o sasagot. Sanay na siyang papurihan pero kapag iyong manggagaling sa asawa ay naiilang siya. Sa halip ay bigla siyang lumusong sa tubig at nangaligkig sa lamig pagkatapos.

Natawa si Nico at sumunod. Mabilis siyang lumangoy patungo sa kabilang bahagi ng pool para iwasan ang asawa. Mas mahusay at mabilis itong lumangoy kaysa sa kanya at inabutan siya.

Hinawakan nito ang binti niya. Kung hindi niya naisip na magmumukha siyang gaga ay nagpumiglas na siya. Nahinto sila sa malalim na bahagi ng pool at hawak-hawak siya ni Nico sa baywang.

"A-akala ko ay tapos ka nang lumangoy..." Sinisikap niyang maging kalmante.

"The truth is, nagsisimula pa lang ako," masuyong sagot nito at hinapit na siya nang husto.

Hindi abot ni Erika ang bottom ng pool kaya hinayaan niyang nakayakap ang asawa sa kanya.

"Bit... bitiwan mo ako. Giginawin ako 'pag hindi ako lumangoy."

"With my arms around you?" tukso nito.

Iniharang ni Erika ang mga braso sa pagitan nilang dalawa. At sa halip na maglagay ng distansiya sa kanilang dalawa ay lalo lang napasama. Kinikiliti ng mga balahibo ni Nico sa dibdib ang braso niya. Oh, dear!

Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon