Chapter 16

41.4K 793 1
                                    


PATULOY sa paglipas ang mga araw na mahirap pakibagayan si Nico. Linggo ng umaga ay nagising si Erika sa malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa silid ng asawa. Mabilis siyang lumipat sa silid nito.

"Nico, ano'ng..."

Nakaupo ito sa may paanan ng kama at sapo ang ulo. Nagsabog sa sahig ang mga laman ng tokador. Iyon marahil ang narinig niya na tiyak niyang sadyang tinabig ng asawa.

Nilapitan niya ang asawa at lumuhod sa may paanan ng kama. "Ano'ng nangyari?" banayad niyang tanong.

Hindi sumagot si Nico. Sa halip ay marahas nitong itinayo si Erika at siniil ng halik sa mga labi. "Erika..."

Bagaman marahas at mariin ang halik na iyon ay nagpaubaya si Erika. Kahit nasasaktan siya ay gumanti ng halik.

Hinablot ni Nico ang pantulog niya at siniil ng halik sa mga balikat at leeg. Pati ang pagdama nito sa dibdib niya ay marahas at napaigtad si Erika sa bahagyang sakit. Ganoon pa man ay hindi niya mapigilan ang hindi makadama ng sensasyon sa ginagawa ng asawa. Nagulat pa siya nang bigla itong huminto.

"Nico, bakit?"

"Get out, Erika. Get out!"

Natilihan si Erika. Hindi niya maunawaan ang nangyayari. Nararamdaman niya ang kainitan at kasukdulan ng pagnanasa ng asawa pero bakit sinisikap nitong pigilin ang sarili gayong nakahanda siyang magbigay? Nang sa ganoon ay maituwid na rin niya ang mga kasinungalingang ipinaniwala niya rito.

"A-alam kong kailangan mo ako, Nico. Nandito ako," bulong niya.

"Alam ko ang dahilan ng pagpapaubaya mo, Erika." Naroon ang pait sa tinig nito.

"Walang ibang dahilan kundi dahil gusto ko," marahang sagot niya.

"Nalilito ako sa iyo. Ginugulo mo lang lalo ang isip ko. Nitong mga unang araw ng pagsasama natin ay ganoon na lamang ang pagnanais kong ma-consummate ang marriage natin pero nilinaw mo sa aking hindi. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Sa pool ay natiyak kong handa kang ipagkaloob ang sarili sa akin right then and there kung hindi tayo naabala. Nang sumunod ako sa silid mo ay bigla mong ipinamukha sa aking kaya ka nagpaubaya ay dahil ang boyfriend mo ang iniisip mong katalik mo! Alam mo ba kung gaano kasakit iyon, Erika? Alam mo ba? That while I was making love with my wife, she was thinking of someone else!"

Halos madurog ang puso ni Erika sa nakikitang anyo ng asawa. "At nitong maaksidente ako ay halos ipagsiksikan mo ang sarili mo sa akin. Kay raming sandaling gusto kitang angkinin tulad ngayon. Pero sa tuwing papasok sa isip ko ang sinabi mo ay tila ito yelong humahaplos sa katauhan ko gaano man katindi ang pangangailangan ko."'

Huminga nang malalim si Erika. "Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo, Nico. And I'm sorry about it. Hindi ba tayo maaaring magsimula uli?" Nakikiusap ang tinig niya.

"Asawa kita, Erika, at mananatili kang asawa ko!" matigas nitong sabi. "Anuman ang ginawa mo ay hindi ko sinasarhan ang puso ko sa posibilidad na iyon. I have so much faith in this marriage. I want you, Erika! I need you so much that I ached inside. Pero gusto kong makakita. Gusto kong makita ang mukha mo when I make love to you. Gusto kong tiyaking ako ang nakikita mo at hindi ibang lalaki!"

"Tiniyak ng doktor na muling magbabalik ang paningin mo, Nico. Hihintayin ko ang sandaling iyon." Even if it takes forever, dagdag niya sa sarili.

Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon