MAKARAAN ang dalawang linggo ay ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony na dinaluhan ng piling-piling mga kaibigan. Stockholders ng Mega Engineering at the most at ang mga pamilya.
"Now, you really made me happy, Erika." Si Eloisa nang magkausap sila pagkatapos ng reception. "Now I don't have to worry about you. Nasa mabuti kang mga kamay."
"Mom, may gusto akong itanong sa inyo..."
"Go ahead, darling. Ano iyon?" Inalis nito ang bakas ng lipstick sa pisngi ng anak na marahil ay galing sa halik ng isang bumati.
"It's... it's personal..." Nag-alangan si Erika.
"And I might not give you an honest answer?" Ngumiti si Eloisa. "Ask away, Erika. Hindi ako magsisinungaling."
"I know you loved Daddy. Si... si... Uncle Fred, did you love him, too?"
"Oo, hija. Siguro dahil maraming mga katangian si Fred na tulad din ng sa daddy mo plus the fact that Fred was really a good man. I loved him, yes. I still do." May bakas ang tinig nito ng lungkot.
"Kung wala kang pag-ibig kay Uncle Fred, papayag ka pa rin bang makasal kayo noon?"
"Siguro. Una, hindi na ako bata para bigyang-timbang ang ganoong emosyon. Hindi masamang tao si Fred. Anybody would have welcomed him. And at that point in time, mas tamang isipin ang praktikalidad at kapakanan ng mga taong nakapaligid sa iyo. Pero mapalad nga ako dahil mahal ako ni Fred at mahal ko rin siya."
"Thanks, Mom. Yes, I guess you're just lucky."
Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang lumapit si Nico.
"Time to go, honey."
SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay narating ni Erika ang bahay ni Nico sa Tagaytay. Overlooking the lake ang pagkakayari nito.
Nasa covered terrace siya at tinatanaw ang Taal Lake. Nakadama siya ng kapanatagan sa katahimikan at kagandahan ng paligid.
"Nagustuhan mo ba ang view?" Si Nico na lumapit sa kanya.
"Maraming beses ko nang nakita ang Taal volcano at lake pero hindi ko pinagsasawaang pagmasdan," aniya nang hindi lumilingon.
"Ako rin. Ang klima at tanawin ay balsamo sa akin lalo na kung pagod ang puso ko't isip..." Mula sa likod ay hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.
"Hindi ko alam na dito ka umuuwi araw-araw, Nico." Sinikap niyang bale-walain ang pagkakadikit ng likod niya sa dibdib ng asawa.
"Marami kang hindi nalalaman tungkol sa akin, Erika."
"Hindi ka nahihirapan sa biyahe?" kaswal pa rin niyang tanong kahit nararamdaman niyang marahang hinahaplos ni Nico ang mga balikat niya.
"Pinadali ng Coastal Road." Nang hagkan nito ang mga balikat niya ay napakislot si Erika. Marahang kumawala.
"I... ilan ang silid ng bahay na ito, Nico?"
"Anim. Apat dito sa itaas. Dalawa sa basement ang library at gym." Ang basement na tinutukoy ni Nico ay ang kinalalagyan na rin ng living room, dining at kitchen. May foyer sa itaas na siyang entrance at bababa ka ng hagdan patungo roon. Aug mga silid-tulugan ay nasa itaas na siyang kinalalagyan nila ngayon.
At sa dulo ng terrace ay may winding stairs patungo sa swimming pool sa ibaba. Hindi niya kailangang itanong, ang mahusay nilang architect sa kompanya ang nag-design ng bahay at ang Mega Engineering din ang nag-construct.
"Aling silid ang sa akin?" walang anumang tanong niya.
'This is the master's bedroom, honey."
"You don't expect me to share a bed with you considering the reasons behind this marriage?" angil niya.
"Anuman ang dahilan ng pagpapakasal natin, Erika, ay mag-asawa na tayo. We'll share the same bedroom." Naroon ang kislap sa mga mata nito.
Tumawa si Erika. "Mali ka sa pagkakataong ito, Nico. Surely, hindi mo ako gustong makatalik lalo't alam mong wala akong pag-ibig sa iyo?"
"Matututuhan mo rin akong mahalin, Erika, paglipas ng mga araw. 'Pag lubusan na nating kilala ang isa't isa." Naroon ang pag-asa sa tinig ni Nico.
"Ikaw, Nico, matututuhan mo rin ba akong mahalin?"
Hindi agad sumagot ang binata. Tumitig sa kanya. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong mahal kita, Erika?"
"Hindi. Maliwanag ang dahilang sinabi mo sa akin. Do not sugarcoat it by telling me lies just to get me into your bed," mariing sagot niya. "Gusto kong magkahiwalay tayo ng kuwarto, Nico."
"Hindi ako papayag, Erika," determinadong sagot ni Nico na lumapit sa kanya at kinabig siya payakap. Iniharang niya ang mga braso at itinulak ito. "Asawa na kita at karapatan kong hingin ang akin."
"Huwag, Nico. Kung ipipilit mo ang gusto mo ay wala marahil akong magagawa dahil malakas ka sa akin. But every time you touch me, isisigaw ng isip ko si Cholo! Mukha niya ang kikintal sa isip ko!"
Kung mayroon mang mabisang panlaban si Erika ay pinakamabisa ang sinabi niya. Nagtagis ang mga bagang na binitiwan siya ng asawa.
"Take this room, akin ang kabila. We share the terrace!"
"Hindi. Kuwarto mo ito kaya dito ka. Doon ako sa kabila." Pagkasabi niyon ay binaybay niya ang terasa patungo sa kabilang silid.
Nanalo siya sa unang round. Pero hanggang kailan? Ibinagsak niya ang sarili sa kama at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Maliit ito kaysa sa kabila pero parehong maganda at maaliwalas.
Ipinikit ni Erika ang mga mata. Hindi niya gustong isipin ang bukas. Gusto niyang i-hypnotize ang sarili para walang maging laman ang isip. Kahit man lamang sa araw ng kasal niya ay makalma siya. Cease-fire, at least.
BINABASA MO ANG
Only You (COMPLETED)
RomanceMaari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damd...