Natapos ang isang linggong honeymoon leave nilang dalawa. At sa loob ng mga panahong iyon ay sinikap ni Erika na maging civilized at normal ang pakikitungo sa asawa. At napuna niyang hindi naman pala mahirap gawin.
"Maaga kang aalis?" tanong niya nang makitang nakabihis na ito nang bumaba siya sa dining.
"May meeting ako ng alas-diyes. Itinawag ito ng sekretarya ko noong isang linggo pa," sagot nito sa pagitan ng pag-inom ng kape.
"Sana ginising mo ako para sabay tayong pumasok." Hinila niya ang isang silya, naupo at nagsalin ng kape.
Ngumiti si Nico. "Hindi ko maipapangako sa iyo na mapapanatili ko ang self-control kung malalapit ako sa iyo sa kama."
Pinamulahan ng mukha si Erika. Sa lahat ng bagay na sinisikap niyang ituwid ay iyon ang hindi pa siya handa.
"Anyway huwag kang magmadali. Kung ako ang tatanungin mo, Erika, mas gusto kong manatili ka na lang dito sa bahay. Kaya lang, hindi ko naman gustong pigilin ang pagnanais mong umunlad at palawakin pa ang kaalaman mo."
"Well maybe hangga't wala pa tayong anak ay sa opisina muna ako." Huli na para bawiin iyon at bago pa niya natapos ay namula na siya. Bakit niya nasabi iyon?
Ngumiti si Nico. Nanunuksong ngiti. "Definitely I want us to have children, Erika. Kasama iyon sa mga plano ko. Pareho tayong nag-iisang anak at malungkot ang kabataan ko. Pero hindi ba mas mabuting baitang-baitang muna?"
Hindi niya kayang salubungin ang titig nito. Kung puwede nga lang siyang maglaho sa pagkapahiya.
"H-hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Huwag mong gawan ng issue."
Sandali lang siyang tinitigan ng asawa. Pagkatapos ay tumayo na ito at dinampot ang attaché case.
"Am I allowed to give you a good-bye kiss?" Magkahalong pag-asam at panunukso ang nasa tinig nito.
"Nagtataka ako kung bakit mo itinatanong. You have kissed me often enough without asking," medyo pagalit niyang sabi.
Marahang tumawa si Nico at yumuko. Wala sa loob na itinaas ni Erika ang pisngi. Lumapad ang ngiti ng asawa, hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha.
"Kahit parehong maputi na ang mga buhok natin sa labi pa rin kita gustong hagkan." Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi. A little more than gentle. "They're soft and sweet tulad ng umaga." Pagkatapos ay banayad na tinapik ang pisngi niya.
"See you in the office..."
SA MAGHAPONG iyon ay hindi nagkita ang dalawa maliban sa tawag sa telepono sa tanghali upang sabihing hindi niya ito makakasabay sa pananghalian dahil hindi makaalis sa meeting. Naintindihan iyon ni Erika dahil isang linggong wala sa opisina ang asawa.
Bago mag-alas-singko ay tumawag uli ito. "Honey, gagabihin ako rito. Gusto mo bang umuwi sa Mommy at susunduin na lang kita roon mamaya?" tanong nito sa pagod na tinig.
"Mauuna na akong uuwi sa... sa atin." Nahihiya siyang bigkasin ang "atin" at narinig niyang marahang tumawa ang asawa. "Better get used to it," sabi nito.
"Dadaan lang ako sa grocery. Ano'ng gusto mong ipaluto ko?"
Muling tumawa ang asawa sa kabilang linya. "I like that question. One week of being married and you sound like a typical housewife..." ang tukso nito.
Napikon si Erika at ibinaba ang telepono. Muling nag-ring iyon makalipas ang ilang sandali. Dinampot niya ang kabilang linya at kinausap ang telephone operator.
"Tina, sino ang nasa linya?"
"'Ma'am, si Sir po..."
"Sagutin mo at sabihin mong bumaba na ako." Ibinaba niya ang telepono pagkatapos ay pinagsisihan ang ginawa. Nakakahiya sa mga empleyado. Isang linggo pa lang silang nakakasal ay baka isipin ng mga itong nag-aaway na sila.
Gabi na nang umuwi si Nico. Sa silid niya ito nagtuloy. Huminto sa tapat ng pinto at sumandal sa hamba. Nakasabit ang coat sa balikat.
"Sorry, honey, ang tagal natapos ng meeting..." Pagod na pagod ang hitsura nito.
"No problem. Maghahanda ako ng pagkain..." Akma siyang lalabas pero hinarang ni Nico ang paglabas niya.
"Kumain ka na ba?" tanong nito.
"W-well, yes," pagsisinungaling niya. Hinihintay niya ito at gusto niyang sabay silang kumain.
"Kung ganoon ay tara nang matulog." Isinara nito ang pinto sa pamamagitan ng binti. Inihagis ang coat sa settee. Naupo sa paanan ng kama at nagtanggal ng sapatos.
"Nico, huwag mong sabihing dito ka matutulog?"
Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paghuhubad hanggang sa briefs. Hindi malaman ni Erika ang gagawin. Magaganap ba sa gabing ito ang una nilang pagtatalik? Tatanggi ba siya? Paano siya magre-react nang hindi siya magmumukhang interesado?
"All right, doon ako sa silid mo." Akma siyang lalabas pero hinawakan ni Nico ang braso niya at hinila pabalik.
"Erika, please. I promise to be good. Gusto kong matulog dito sa tabi mo. Gusto kong matulog nang kayakap ka... hold you... that's all." Nahiga na ito at hinila siya. Nawalan siya ng panimbang at kasama siyang natumba sa ibabaw ng kama.
Niyakap siya at hinagkan sa buhok... sa likod ng tainga... "Hmm... I have always liked your smell. You're sweet."
Natensiyon si Erika. Hindi alam ang sasabihin at gagawin.
"H-hindi ka pa ba naghahapunan?" ang nasabi niya.
"Sa sandaling ito, honey, mas nanaisin kong matulog na lang. Sa pagod ko sa buong maghapon ay hindi ko siguro matitingnan man lang ang maganda kong asawa. Even if she strips in front of me."
Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya at banayad na hinahalik-halikan. Pagkatapos ay kinabig ang mukha niya at siniil siya ng halik sa mga labi. Sandaling natigilan si Erika pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matangay sa ginagawa ni Nico. And when she gently nipped his mouth ay hindi kumilos si Nico. Tulog na ito!
Huminga nang pagkalalim-lalim si Erika. At may kung ilang minuto ring nanatili sa ganoong ayos dahil hindi niya gustong magising ang asawa. Makalipas ang mahabang sandali ay marahan at maingat siyang kumawala mula rito. Subalit umungol si Nico at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Minabuti niyang manatiling nakayakap at nakadikit dito. Tumingala siya at pinagmasdan ang mukha ng asawa. Kung anuman ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay hindi niya kayang bigyan ng pangalan. Maingat niyang hinaplos ang mukha ng asawa.
Sa pagtulog ay hindi na ito ang Nico na kinaiinisan niya. Ang Nico na hindi nagkakamali, ang matalinong businessman, ang makina. Tila ito batang nakasiksik sa kanya. Sa sandaling iyon ay gusto niya itong yakapin nang buong higpit at ipaghele.
Sa ganoong ayos at pag-iisip siya nakatulog.
BINABASA MO ANG
Only You (COMPLETED)
RomanceMaari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damd...