ALAS-SINGKO y medya ay nasa opisina ni Cholo si Erika.
"There you are, sweetheart. Katatapos lang namin," nakangiting bungad nito. Naka-tights pa ito at pawisan. Nakasabit ang tuwalya sa leeg.
Kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa leeg nito at pinunasan ang pawis ng kasintahan.
"That's sweet, Erika..." Hinapit siya at siniil ng halik sa mga labi. Mariin at mapusok.
"Stop it, Cholo. Baka may pumasok," aniya na kumawala rito.
"Walang papasok, Erika. My room is private." At ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Sa pagkakadikit nila ay naramdaman ng dalaga ang pagkapukaw ng pagkalalaki nito sa manipis na tights.
"Cholo, kailangang mag-usap tayo, please. May sasabihin ako."
"Mamaya na tayo mag-usap, Erika. We have plenty of time para doon." Pagkatapos ay muli siyang siniil nito ng halik. Sa labi, sa punong-tainga, at sa leeg. Bahagya nang namalayan ni Erika ang pagtanggal nito sa zipper ng damit niya sa likod.
"C-Cholo..." aniya na nagtatalo ang isip. Gusto niyang sabihin dito agad ang problema pero abala ang kasintahan sa katawan niya. Naibaba na nitong tuluyan ang zipper niya sa likod at ngayon ay hinawi nito ang damit niya na bumagsak sa sahig. Pagkatapos ay inihiga siya sa sofa.
"Na... natatakot ako, Cholo..." Wala pang lalaking umangkin sa katawan niya. Bago si Cholo ay may naging boyfriend na siya pero hindi ito umabot sa puntong nauuwi sa pagtatalik. Maingat siya sa bagay na iyon.
"Easy, sweetheart. Trust me. Oh, Erika, kay tagal ko nang gustong gawin natin ito and we're two mature people..." Tuluyan na rin nitong natanggal ang hook ng bra niya. Napaigtad si Erika nang damhin ng palad nito ang dibdib niya. Pagkatapos ay bumaba ang mga kamay nito sa panty hose niya.
Sama-sama na ang nasa isip ng dalaga. Takot sa ginagawa ni Cholo. Si Nico at ang mommy niya bilang threat sa kanila ng kasintahan. At ang pag-aalala kung tamang ipagkaloob niya ang sarili sa kasintahan gayong hindi pa sila kasal.
"Cholo... baka..."
"I won't hurt you, promise...'
"Pero... hindi pa tayo mag-asawa. Hindi pa tayo nakakasal..."
"I will marry you, Erika. Please, let's talk later..." Abot-abot ang paghahabol nito sa paghinga.
Napapikit si Erika. Pakakasalan siya ni Cholo. At kung ipagkakaloob niya rito ang pagkabirhen niya ay tiyak niyang mapapadali ang gagawin nilang pagpapakasal. At wala nang magagawa ang mommy niya at si Nico. Sa ayaw at sa gusto ng mommy niya ay magiging asawa niya si Cholo.
Muli siyang napaigtad nang maramdaman ang kamay at mga labi ng lalaki sa tiyan niya.
"Oh, Erika, you're so beautiful..!" ani Cholo na tumayo. Naramdaman ng dalaga ang malamig na dampi ng hangin sa paghiwalay na iyon ng lalaki sa katawan niya.
Nang tingnan niya ito ay nagtatanggal ng top. Tumambad sa kanya ang hinahangaang katawan nito. Nang hubarin ni Cholo ang pang-ibabang tights ay ibinaling ng dalaga ang mga mata sa kisame.
"Sweetheart, you're so shy..." ani Cholo na muling bumaba sa kanya sa may sofa at siniil siya ng halik. Kung mayroon mang pasubali kanina sa isipan niya ay nabawasan na ngayon.
Bumaba ang mga kamay ni Cholo sa kahuli-hulihang saplot niya upang tanggalin ito. Biglang nanigas ang mga binti ng dalaga.
"It's all right, sweetheart, relax..." At muling dumampi ang mga labi nito sa kanya.
Sinikap niyang mag-relax.
Sa ganoong sandali pinili ng telepono na mag-ring. Napabalikwas si Erika.
"Ang telepono, Cholo."
Ni hindi sinulyapan ng lalaki ang kinalalagyan ng telepono. Pilit na ibinababa ang underwear ng dalaga.
"Please, Cholo... sagutin mo muna ang telepono."
"Sweetheart, huwag mong intindihin iyon. Titigil din iyan." Nasa tinig nito ang pagkainis. May ilang buwan na silang magkasintahan pero minsan man ay hindi nito nagawang umabot sila sa ganito.
Subalit hindi tumigil ang telepono. Naliligalig si Erika. Mabilis siyang tumayo at kumawala mula sa kasintahan.
"Please, sagutin mo na..."
Nagmumurang napilitang tumayo ang lalaki at pahablot na dinampot ang telepono. "Hello!" pabulyaw nitong sagot.
"Gusto kong makausap si Erika, ngayon din! Alam kong nariyan siya." Kung pagalit nitong sinagot ang telepono ay ganoon din ang nasa kabilang linya.
Higit sa lahat ay naroon ang awtoridad sa tinig nito. Sinulyapan ni Cholo ang dalaga na kasalukuyang inaayos ang sarili.
"S-sino iyan?"
Atubiling sumagot ang lalaki. Hindi niya gustong ipasa kay Erika ang telepono nang muling magsalita ang nasa kabilang linya.
"Kilala kita, Cholo Alejo. Ibigay mo kay Erika ang telepono or you'll be sorry for the rest of your life."
Nagtagis ang mga bagang ng lalaki. Ano'ng ibig sabihin ng tumatawag na ito? Isinenyas ang telepono sa dalaga na noon ay inaabot ang zipper sa likod upang isara.
"Para sa iyo."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Tinahip ang dibdib ng matinding kaba. Sino ang tatawag sa kanya rito sa opisina ni Cholo? Paano may nakaalam na narito siya? May emergency ba?
"Make it fast, Erika. Kung anuman ang gusto niyan ay tapusin mo kaagad!" ang naiiritang sabi ni Cholo na dinampot sa mesa ang sigarilyo at nagsindi.
Alanganing dinampot ng dalaga ang telepono. "H-hello?"
"Narito lang ako sa parking area, Erika. Lumabas ka ngayon din ng opisinang iyan!" ang sabi ng nasa kabilang linya.
"Nico!" bulalas ng dalaga.
"Sino iyan?" Si Cholo na nakita ang reaksiyon niya.
"Erika, hindi ako nagbibiro. Lumabas ka ng opisinang iyan ngayon din!" muli'y sabi ng binatang nasa kabilang linya.
Nahalinhan ng galit ang pagkabigla ni Erika. Hanggang dito ba naman ay sinusundan siya ni Nico?
"Dalawang minuto, Erika, o ako mismo ang papasok diyan at hihilahin kita palabas!"
"Ano'ng karapatan mong...!" Subalit nawala na sa linya ang kausap niya. "Hello! Hello... Oh, damn you, Nico!" lbinaba ng dalaga ang telepono at mabilis na inayos ang sarili. Alam niyang gagawin ni Nico ang sinabi.
"Sino'ng tumawag, Erika? Ano'ng nangyari?" magkahalong inis at pagtatakang usisa ni Cholo.
"I have to go, Cholo. Saka ko na lang ipaliliwanag sa iyo. Tatawagan kita mamaya sa apartment mo." Mabilis niyang dinampot ang bag at halos patakbong tinungo ang pinto palabas.
Binuksan ng security guard ang front door nang makita siya. Paglabas niya ay nahagip agad ng mga mata niya si Nico na nakasandal sa pinto ng Land Cruiser.
BINABASA MO ANG
Only You (COMPLETED)
RomanceMaari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damd...