Chapter 7

38.9K 778 16
                                    


Nakilala niya si Alex sa isang party. May isang taon na ngayon ang nakalipas. Nakakahawa ang kakalugan nito at nakakaakit ang dalawang dimple sa pisngi kapag tumatawa.

Med rep ito sa isang malaking drug company. Niligawan siya at sinagot naman niya.

Tatlong beses sa loob ng isang linggo ay nagde-date sila. Sa sine, sa concert, o kahit na sa park lang at nagho-holding hands. She felt so romantic and in love.

Kadalasan ay siya ang taya kapag lumalabas sila. Ito ay dahil siya na rin ang nagpipilit. Gasino na lang ang suweldo ni Alex at may kapatid pang pinag-aaral sa kolehiyo.

"Nakakahiya na sa iyo, Erika. Lagi na lang na ikaw ang nagbabayad kapag kumakain tayo," malungkot nitong sabi minsang nasa isang coffee shop sila sa Manila Hotel.

"Ano naman ang masama doon, Alex. Magkasintahan naman tayo and I can afford to pay."

"Iyon na nga, eh. Alangang-alangan ako sa iyo. Nahihiya na rin ako sa mommy mo."

"Hindi matapobre ang mommy, Alex," assurance niya.

"'Pag nakatapos na ang kapatid ko, Erika, pangako, babawiin kong lahat ang mga pagkukulang ko sa iyo." Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito.

"Silly. Wala akong alam na pagkukulang mo sa akin."

"I'm very lucky for having you as a girlfriend, Erika. I love you so much.''

"And I love you, too." Masayahin si Alex. Pero 'pag ganitong nalulungkot ito ay nababagbag ang puso niya. Hindi nito kasalanang maging mahirap.

Minsan ay isang linggong hindi nagpakita si Alex. Hindi rin tumatawag. Kapag tumatawag siya sa opisina nito ay laging sinasabing nasa field. Hindi naman niya alam ang bahay nito. Basta ang sinabi nito sa kanya ay sa Sta. Mesa. Nag-aalala na siya.

Hustong ika-isang linggong wala siyang narinig mula rito ay tumawag ito at sinabing magkita sila sa isang lugar. Doon niya nalaman ang dahilan.

"Pasensiya ka na kung hindi kita natawagan, sweetheart. Naging abala ako sa Inay. Nasa ospital siya ngayon at naka-schedule na operahan sa obaryo dahil kung hindi ay baka mauwi sa cancer," malungkot nitong balita.

"Nag-alala lang ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa iyo, Alex. Ngayong alam ko na ay wala kang aalalahanin." Nakikita niyang ni hindi na nagawang mag-ahit nito.

"Baka sa susunod na mga araw ay hindi muna tayo magkita, Erika. Kailangang magawan ko ng paraang maoperahan ang Inay. Ubos na'ng lahat ang loans ko at natapat pa sa tuition fee ng kapatid ko," ang tila maiiyak nitong sabi.

"Oh, I'm sorry. Hindi kita dapat na bagabagin sa problema ko," patuloy nito.

"Hindi ako ibang tao, Alex. Magkasintahan tayo at gusto kong makatulong. Magkano ba ang kailangan mo?" Nakita niya ang biglang pagkislap ng mga mata nito.

"Around thirty thousand, Erika. Nasa charity pa ang Inay n'on." Nagbuntong-hininga ito at tumingin sa labas.

Binuksan ng dalaga ang bag niya at kinuha ang checkbook.

"Ano'ng ginagawa mo?" ang may pagkamanghang tanong ng binata.

"Please, let me help you, Alex. I really want to." Nagsusumamo siya.

Napapikit ito at tinutop ang noo. "Huwag, Erika. Ayoko ng ganito. Hiyang-hiya na nga ako sa iyo."

"Bayaran mo 'pag naka-recover ka. Kahit installment," console ng dalaga sa nasaktang pride nito. Sumulat ng halaga sa tseke at pagkatapos pirmahan ay iniabot kay Alex.

Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon