"Hindi ba kita naistorbo?" Tanong ni Harri sa kausap niya sa kabilang linya.
Tumawa ang nasa kabilang linya bago sumagot. "Hindi. Hindi naman. Tagal na nating hindi nakapag-usap, Harri."
Humugot ng malalim na hininga si Harri. Kausap niya sa kabilang linya si Jesse, ang ex niya. Co-worker niya ito sa dating trabaho. Halos isang taon din silang naging magkasintahan hanggang sa makabuntis si Jesse ng ibang babae.
Ang sabi ni Jesse ay isang one night stand lang ang nangyari. Nakainom sila ng babae at nadala ng kanilang mga damdamin. Ayaw makipaghiwalay ni Jesse sa kanya. Aakuin daw nito ang bata pero hindi niya papakasalan ang babae.
Ngunit nawala na ang tiwala ni Harri sa kanta. Kapag nakikita niya si Jesse ay nakikita niya ang mukha ng babaeng nabuntis nito. Masakit man ang ginawa niyang pakikipaghiwalay pero alam ni Harri na 'yun ang tama.
Tatlong buwan matapos nilang maghiwalay ay nalaman ni Harri na nagsama na si Jesse at ang babaeng nabuntis nito.
"Hindi ako tumawag sa'yo para makipagkuwentuhan, Jess. May kailangan ako sa'yo. Work related," ang sabi niya.
Si Jesse ang pinakamagaling na web developer na nakilala niya at kailangan niya ang tulong nito.
"Sure. Kahit ano pa 'yan, handa akong tumulong."
Bumukas ang pintuan ng condo nila at pumasok si Hannah.
"Ate, nandito na ako," sabi nito. Galing ito ng school.
"Si Hannah ba 'yan? Kumusta na siya?" Mabilis na tanong ni Jesse nang marinig ang boses ng kapatid niya.
Dati ay malapit sa isa't isa ang kapatid niya ta si Jesse. Nasaktan din si Hannah sa ginawa ni Jesse sa kanya. Ayaw na nitong marinig ang pangalan ni Jesse.
"Jesse, sabi ko work related 'to," sagot niya. Pinili niyang pumasok sa kwarto para hindi siya marinig ni Hannah. "Ipapaliwanag ko sa'yo kung anong kailangan mong gawin. Tapos sabihin mo sa akin kung okay sa'yo."
"Okay. Sige."
***
"Good morning, Sir Nick." Bati ng guard at iba pang empleyado ng LFGC pagpasok pa lang ni Nick sa building.
Tumango siya at dumiretso na sa paglalakad. Hawak niya ang kanyang cellphone at binabasa ang schedule na in-email ni Lydia sa kanya. He was on his way to the elevator nang biglang may bumangga sa kanya.
"Sorry. I'm sorry. Hindi kasi ako nakatingin sa daan. Sorry," ang sabi ng lalaking nakabangga sa kanya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay tiningnan niya ng mabuti ang lalaki.
Naka-backpack ito ng itim at may suot na ID na may nakasulat na 'Visitor'. Bisita lang pala ito at halatang hindi siya kilala.
The elevator opened and he quickly went inside. Napansin niya na sumakay din sa elevator ang lalaki. Pinindot nito ang 21. Sa HR department pala ang punta nito.
He continued reading his emails hanggang sa tumigil ang elevator sa 21st floor. Bumukas ang pinto at bumaba ang lalaki.
He looked at the guy and then something came into his mind. Hindi niya alam kung bakit pero bumaba siya ng elevator at sinundan ang lalaki.
Lumapit ito sa front desk at kinausap si Kimmy.
He was standing a few feet from the guy at dinig na dinig niya na binanggit nito ang pangalan ni Harriet.
BINABASA MO ANG
His Cold Cruel Heart (Complete)
Romance"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makahanap ng trabaho ang breadwinner na si Harri. May kapatid siyang pinapaaral, marami siyang utang na...