"OMG! Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, Harri!" Sabi ni Aisha. Itinakip nito ang kanang kamay sa bibig.
Ikinuwento ni Harri ang tungkol sa pagpunta ni Nick sa condo nila.
"I flirted with him all the time na pumupunta siya dito at nag-request pa ako ng date. Bakit wala kang sinabi?"
"Hindi ko pa naman sigurado ang nararamdaman ko noong nag-double date tayo," sagot niya at napayuko. Nahihiya siyang aminin ang nararamdaman niya kay Nick dahil nagi-guilty siya.
"Pero ngayon sigurado ka na?"
Tinitigan ni Harri ang kaibigan. Tumango siya.
"Naku! Excited ako para sa'yo," kinikilig na sabi ni Aisha.
Umiling si Harri. Hindi niya alam kung bakit kinikilig ang kaibigan niya sa kanyang sitwasyon.
"Bakit ka kinikilig? Kinakabahan nga ako."
"Bakit ka naman kakabahan? Finally ay sigurado ka na sa nararamdaman mo para kay Nick. You can now start a new life with him."
Muli siyang napailing. Parang mali ang sinasabi ni Aisha. Wala kasi itong alam sa sakit ni Ollie.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ollie ang lahat. Sigurado akong magagalit siya. Dalawang beses ko nang ginawa ito sa kanya."
Kumunot ang noo ni Aisha.
"Dalawang beses? Hindi kita maintindihan."
"Hindi ko naikuwento sa'yo. May nangyari kasi sa amin tapos nakapag-desisyon ako na umatras ako sa kasal namin ni Ollie. Pinuntahan din ako ni Ollie dito para pakiusapan na ituloy namin ang kasal. Pumayag ako."
"Oh my god, Harri! The Le Ferrante twins are crazy for you," at kinilig na naman ito.
Kung kinikilig si Aisha, siya naman ay nag-aalala. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ni Ollie ang lahat. Hindi nga siya sigurado kung tatanggapin ba ni Ollie ang bago niyang desisyon.
"Sana ay ganun lang kadali ang lahat, Aisha," mahina niyang sabi.
"Huwag kang mag-alala, Harri. Kung mahal ka talaga ni Nick ay gagawa 'yun ng paraan. Kilala mo naman si Nick dahil naging boss mo siya."
Tumango si Harri. Nick is known for keeping his word.
"Sabi ni Nick ay gagawa siya ng paraan."
"Ayan naman pala. Huwag ka nang mag-alala. Kaya 'nyo ni Nick 'yan."
"Sana nga, Aisha," sagot niya. Iniisip niya na siguradong mag-aaway ang magkapatid. At magagalit na naman sa kanya si lola Viv.
Maya-maya pa ay narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Sinulyapan niya 'yun at nakita ang pangalan ni Ollie. Kinabahan siya.
Kanina pa niya hinihintay ang tawag ni Nick ngunit si Ollie naman ang tumatawag sa kanya.
Pinagmasdan siya ni Aisha.
"Sasagutin mo ba?"
Umiling siya.
"Hindi ko muna siya kayang kausapin ngayon. Hihintayin ko muna ang tawag ni Nick."
Tumigil sa katatawag si Ollie ngunit nakatanggap naman siya ng text mula rito. Kaagad niyang binasa 'yun.
"Harri? Can you help me? It's an emergency."
Nagkatinginan ang dalawa.
"Pupuntahan mo ba siya?"
***
BINABASA MO ANG
His Cold Cruel Heart (Complete)
Romance"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makahanap ng trabaho ang breadwinner na si Harri. May kapatid siyang pinapaaral, marami siyang utang na...