26: Double Date

3.6K 168 8
                                    


"I am so sorry if my twin is not yet here," sabi ni Ollie habang binabasa ang text message mula kay Nick.

Nasa isang restaurant sina Ollie, Harri at Aisha. Nakaupo sila sa isang pang-apat na table habang hinihintay ang pagdating ni Nick. Sa bandang kaliwa ni Harri nakaupo si Ollie habang si Aisha ay nasa bandang kanan niya. Sa harapan niya ay ang bakanteng upuan ni Nick.

"It's okay. Walang problema basta ba darating siya," tumatawang sagot ni Aisha. Sa sobrang excited nito ay wala siyang pakialam kung gaano pa kalate si Nick.

Isang ngiti lang ang itinugon ni Harri. Hindi siya sanay na late si Nick. She knows he hates to be late. Naisip niya siguro ay abalang-abala ito sa trabaho.

"Are you okay, luv?" Tanong ni Ollie sa kanya sabay hipo sa buhok niya.

"Yes, okay lang ako," sagot niya at ngumiti.

Napatingin siya kay Aisha. Nakangiti rin ito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ang sweet mo naman, Ollie," sabi ni Aisha. Hindi na nito napiligan ang sarili.

"Harri makes me do things that I don't normally do," he said and tucked Harri's hair behind her ear. "Ganoon siguro kapag mahal mo ang isang tao."

Pinamulahan ng mukha si Harri. Napangiti siya. Lumapit naman sa kanya si Ollie at hinalikan siya sa labi. Gusto niyang tumugon pero nahihiya siya kay Aisha at sa mga taong naroon.

Bahagya niya itong tinulak.

"Ollie, maraming nakatingin sa atin," bulong niya rito.

Hindi naman nagpumilit si Ollie. He kissed the tip of her nose and went back to his seat.

"I am hungry. Umorder na kaya tayo," sabi nito. Ngunit bago pa nakatawag ng waiter si Ollie ay dumating na ang nagmamadaling si Nick.

"I am really sorry," sabi nito.

Lumiwanag ang mukha ni Aisha nang makita si Nick. Hindi naman alam ni Harri kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Hi, Aisha," sabi ni Nick. Lumapit it at nakipag-beso beso kay Aisha.

"Hi, Nick!" Excited na bati ng dalaga.

"Ollie," sabi ni Nick at tinapik sa balikat ang kakambal. Bumaling ang tingin nito kay Harri. "Harriet."

"Hello, sir Nick," sagot niya at pinagmasdan ito.

He looked tired yet still dapper. Medyo magulo ang buhok nito. Ang suot nito'y dark blue suit and tie. Pormal na pormal ito kumpara kay Ollie na naka black t-shirt, tattered jeans and white sneakers. Para kang nakatingin sa dalawang version ng iisang tao.

"Sir Nick? Hindi mo na boss si Nick, luv," tumatawang sabi nito.

Napatingin si Nick sa kanya. Muli na namang napalukso ang puso niya.

"Hi Nick," pagtatama niya. Naninibago siya sa pagsabi sa pangalan nito na walang 'sir'.

Ngumiti lang si Nick at napatingin kay Aisha na kanina pa nakatitig sa binata.

"Harri looks different, right Nick?"

Muling bumaling sa kanya si Nick. Hindi naman makapaniwala si Harri na sinabi 'yun ni Ollie.

Tiningnan ni Nick ang mukha niya pagkatapos ay ang suot niya. She's wearing a red shift dress with short sleeves.

"She looks beautiful...as always," mahina ang pagkakasabi ni Nick sa huling katagang sinabi nito pero dinig na dinig 'yun ni Harri.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon