"Wala pa rin pong nagugustuhan si Ollie sa mga nakadate niya, sir Nick."He let out a sight at umiling. Hindi siya makapaniwalang wala pa ring napipili ang kapatid niya.
"Ano bang sinabi niya?" Dismayadong tanong ni Nick kay Harri.
"Hindi niya raw type 'yung iba, sir. 'Yung iba naman po, iba daw 'yung nakikita niya sa profile at sa personal. Hindi raw kasi consistent. Parang maganda raw 'yung profile pero hindi naman sa personal."
"But those girls are educated, smart and beautiful. Ano pa bang hinahanap niya?" Naiinis na sabi ni Nick. Sa palagay niya ay sinasadya ni Ollie na maging pihikan sa pagpili.
"Huwag po kayong mag-alala, sir. Unang linggo pa lang naman po. Baka next week may magustuhan na si Ollie sa mga magiging kadate niya."
Nakangiti si Harri habang nagsasalita. Hindi niya maiwasang mapatitig sa magandang mukha nito.
"Kumusta ka na?" Hindi niya napigilang tanong sa dalaga.
Napatigil si Harri. Nawala ang ngiti sa mukha nito. Nakita ni Nick na nabigla ito sa kanyang sinabi.
Siya man ay nabigla rin sa lumabas sa kanyang bibig. Has she adjusted to her work? 'Yun naman talaga ang gusto niyang itanong.
"I mean...with your work. Nag-e-enjoy ka ba? Hindi ka ba nahihirapan? I'm really thankful that you're helping Lydia." He corrected himself.
"O-okay lang naman po. Hindi naman po ako nahihirapan."
"Don't worry. This is just temporary. Ngayon lang 'to na medyo maselan ang pagbubuntis ni Lydia."
Napansin niyang tila naiilang ito. She's looking everywhere but at him.
"Naku, okay lang po 'yun, sir. Hindi po ako nagrereklamo. Malaki naman po kasi ang sahod."
"Kum—"
He was going to ask her about her sister. Mabuti na lang at napigilan niya ang kanyang sarili. He doesn't want to go there. He wants to be professional. She's his employee.
"And how is Ollie treating you?" He asked instead.
Muling ngumiti ang dalaga.
"Okay naman, po. Nagkakasundo naman kami ni Ollie."
Nagkakasundo saan?
Gustong itanong ni Nick ngunit napatigil siya nang makitang namumula ang pisngi ng dalaga.
He suddenly felt a sharp pain through his heart. Bigla siyang nag-alala.
Just hearing Ollie's name makes her blush. Does she like his brother?
And why does he feel weird?
"Be careful with Ollie," ang tangi niyang sabi. Kilala niya ang kapatid. He can be very charming to women.
Hindi sumagot si Harri. Sa halip ay napatitig ito sa kanya. She looks confused.
"Does he ask favors from you? I mean...marami ba siyang inuutos sa'yo na hindi kasali sa trabaho mo?"
Umiling ang dalaga.
"Wala naman po."
That's good. He just doesn't want her to be too close to his brother.
"Good. Do you have plans this weekend?"
Bigla silang nagkatitigan.
Halatang nagulat si Harri sa tanong niya. Hindi naman alam ng binata kung bakit niya naitanong 'yun.
BINABASA MO ANG
His Cold Cruel Heart (Complete)
Romance"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makahanap ng trabaho ang breadwinner na si Harri. May kapatid siyang pinapaaral, marami siyang utang na...