"Harriet, I...."
Napalunok si Harri habang nakatitig sa boss.
Abala siya sa paghahanap sa files na sinasabi ni Lydia nang biglang may humablot sa baywang niya. Nakita niya si Nick nang inikot siya nito papaharap. Laking gulat niya nang bigla siyang siniil nito ng halik.
Hindi siya nakagalaw, hindi siya nakapagsalita. Hindi nga niya naipikit ang mga mata niya habang hinahalikan siya ni Nick. Ang kamay nitong nakahawak sa beywang niya ay umakyat sa mukha niya.
At ang halik nito, ngayon pa lang siya nakaranas ng ganoong klaseng halik. Malalim, uhaw. Parang matutunaw ang mga tuhod niya sa bawat galaw ng mga labi nito sa mga labi niya.Gusto niyang ibuka ang kanyang bibig at tugunan ang halik nito ngunit nalilito siya.
Naramdaman niya ang pagdampi ng dila nito sa labi niya. Napahawak si Harri sa dibdib ng binata. Pakiramdam niya ay parang sinisilaban ng mga halik ni Nick ang buong katawan niya.
Pagkatapos ay bigla na lang itong tumigil. Nakita niyang nakabuka ang mga mata nito. Nakita niya ang gulat sa mukha nito at mabilis siyang binitawan ng binata.
Napaatras siya. Nanginginig ang mga tuhod at kamay niya. Pakiramdam niya ay namamaga ang mga labi niya dahil sa umaalab na halik ni Nick.
Kapwa sila nalilito habang nakatitig sa isa't isa. Nagtatanong ang isipan ni Nick kung anong ginagawa ni Harri doon. Ganun din ang katanungang lumulutang sa isipan ni Harri.
"Um...I..."
Hindi makapagsalita si Nick. Nakatitig lamang siya sa dalaga.
Tiyempo namang tumunog ang cellphone ni Nick. He felt relieved. Mabilis niyang dinukot sa bulsa ang cellphone at sinagot.
"Hello?"
Sinamantala ni Harri ang pagkakataon. Habang may kinakausap sa cellphone si Nick ay mabilis niyang kinuha ang files na hinihingi ni Lydia. Pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Nanatili pa ring nakatayo sa loob ang binata habang kinakausap ang nasa kabilang linya.
Habang naglalakad ay lumalakas ang pagtibok ng puso ni Harri. Hindi na nanginginig ang mga tuhod niya ngunit sumasabay sa bawat paghakbang niya ang kanyang puso.
Pagkapasok niya sa elevator ay mabilis niyang pinindot ang 25. Pagkatapos ay mariing pinindot ang close na button habang pinagdarasal na sana ay hindi niya makasabay si Nick sa elevator.
Nang sumara ang pinto ng elevator ay saka pa lang nakahinga ng maluwag si Harri. Pagdating niya sa 25th floor ay nakaabang na sa kanya si Lydia.
"What took you so long?" Nag-aalalang tanong nito. "Akala ko naligaw ka na."
Magsasalita sana siya ngunit walang lumalabas sa bibig niya.
"Okay ka lang?" Tanong ni Lydia habang naglalakad sila papasok.
Tumikhim siya bago muling nagsalita.
"O-oo. Okay lang ako," pagsisinungaling niya. Ang totoo ay parang sasabog ang puso niya dahil sa nangyari.
"Nag-aalala ako kasi hindi pa rin dumarating si sir Nick."
Sasabihin na sana niya na nakita niya sa Archives department si Nick pero mabilis niyang napigilan ang sarili.
Inilagay ni Lydia ang mga files sa ibabaw ng mesa nito. Pupuntahan na sana ni Harri ang kanyang desk nang pinigilan siya ni Lydia.
"Lola Viv called. Magpapatawag daw ng emergency meeting ang mga board members," ang sabi ni Lydia.
BINABASA MO ANG
His Cold Cruel Heart (Complete)
Romance"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makahanap ng trabaho ang breadwinner na si Harri. May kapatid siyang pinapaaral, marami siyang utang na...