16: Bridge

5K 237 12
                                    



"Pauwi ka na ba?"

Nag-angat ng tingin mula sa kanyang desk si Harri at nakita si Lydia. Umiinom ito ng chocolate drink habang naghihintay sa sagot niya.

"May tinatapos lang ako," sagot niya. Sinita niya ang iniinom nito. "Pang-ilang chocolate drink na ba 'yan?"

Nagkibit-balikat lang si Lydia. Napansin niyang nahilig ito sa chocolate ngayong nagbubuntis ito.

"I can't believe you're counting," tumatawang sagot nito. "Oo nga pala, may pinapagawa si sir Nick sa'yo bago ka umuwi."

"Ha? Ano 'yun?" Nagtataka niyang tanong.

Simula kasi noong pumayag si Nick na pumunta sila ng Cebu ni Ollie ay tila dumidistansya na ito sa kanya. Dati ay pinapareport siya nito sa mga nangyayari sa mga dates ni Ollie araw-araw. Ngayon ay hindi na.

Impractical at magastos. 'Yun ang sabi ni Nick dati tungkol sa mga applicants sa labas ng Luzon. Pero napabilib si Harri kay Ollie dahil nakaya nitong kumbinsihin ang kapatid.

Ang problema nga lang ay hindi inasahan ni Harri na isasama siya ni Ollie. Hindi naman kasi ganoon ang sinabi niya sa binata. Ang sabi niya ay parang tour lamang. Hindi niya inasahan na makikipag-date si Ollie sa mga piling applicants sa Cebu at isasama pa siya nito.

Pero hindi na rin siya nagreklamo. Hindi pa siya nakapunta ng Cebu. Nagpapasalamat siya at nabigyan siya ng pagkataon na sumama kay Ollie.

"May nakalimutan siyang mga papeles. Dalhin mo raw sa kanya mamaya."

"Okay," tangi niyang sagot.

"Art will drive you there."

"Nasaan ba si sir Nick ngayon? Saan ko dadalhin 'yung mga papeles?"

Saglit na nag-isip si Lydia.

"Hindi ko alam, eh," sagot nito. "Sabi niya si Art na raw ang bahala na maghatid sa'yo."

Naisip ni Harri na baka umuwi na si Nick. Kahapon din kasi ay maaga itong umuwi dahil masama ang pakiramdam.

"Iwan ko na lang dito sa desk mo ang mga papers, ha? Baka makalimutan ko na naman kasi."

Tumango siya at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Excited na siya para sa trip nila ni Ollie bukas pero may dapat pa siyang tapusin kaya't isinantabi niya muna ang kanyang nararamdaman at mga katanungan.

Mag-a-alas kwatro na ng hapon nang muli siyang kinausap ni Lydia.

"Harri, nagtext si sir Nick sa akin. Pwede ka na bang umalis ngayon?"

Napatingin si Harri sa wall clock. Alas singko pa ang out niya.

"May tatapusin pa ako pero pwede ko namang gawin 'to sa bahay mamaya."

"Sounds great! Hinihintay ka na ni Art sa baba."

Nagulat siya sa narinig.

"Ngayon na?" Hindi niya inakala na ngayon na talaga siya aalis.

"Oo. Huwag mong kalimutan 'yung mga papers, ha?"

"Okay," ang tangi niyang naisagot at nagsimula nang magligpit.

Makalipas ang ilang minuto ay handa na siyang umalis.

"Alis na ako, Lydia."

"Make sure sir Nick gets the papers, ha? Have fun sa trip 'nyo bukas sa Cebu."

Ngumiti siya at umalis na. Pagdating niya sa baba ay sinalubong siya ni Art.

"Hi, Art," bati niya.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon