30: Liar Liar

4K 155 4
                                    


"Make sure that you sign everything."

Ngumiti si Harri bago sumagot ng, "Yes, ma'am!"

Kausap niya si lola Viv sa cellphone habang hawak ng isang kamay niya ang papeles na pinapipirmahan nito. Sa harapan niya ay naghihintay ang ipinadala nitong assistant.

"After signing the papers, make sure to give them to my assistant."

"Opo," sagot niya. Tiningnan niya ang mga papeles at hinanap doon ang pipirmahan niya.

"Dito po, miss Harri," ang sabi ng assistant ni lola Viv at itinuro ang bahaging dapat niyang pirmahan.

"Ah! Ito pala 'yung nakalimutan ko," sabi niya at pumirma. Pagkatapos ay ibinigay niya 'yun sa naghihintay na assistant. "Pasensiya ka na, ha? Kailangan mo pa tuloy akong puntahan dito sa condo."

Ngumiti lamang ito at kinuha ang papeles mula sa kanya.

"Thank you," sagot niya.

"Did you give it to her?"

Muntik na niyang makalimutan na nasa kabilang linya pa pala si lola Viv.

"Opo," sagot niya.

"Then tell her to go. Marami pa siyang gagawin dito."

Ngumiti si Harri at sinenyasan ang assistant na pwede na itong umalis.

"And don't forget you have a meeting with the wedding planner tomorrow."

"Yes, lola Viv," nakangiting sagot ni Harri. Hinintay niya na magpaalam na ito pero nanatili ito sa kabilang linya. "Lola Viv?"

"Y-yes?"

"May iba pa po kayong sasabihin?" Tanong niya.

"Uh...no. Well, yes. Meron."

Kumunot ang noo ni Harri. Hindi naman kasi ganun si lola Viv. She might be old but she's always sure about what to say.

"I just want to say thank you for choosing to stay with Ollie. I'm happy that my grandson is happy."

Napangiti si Harri. Ngayon niya lang narinig na nagpasalamat ito sa kanya.

"Wala po 'yun," sagot niya. Hindi naman kasi ito dapat magpasalamat sa kanya. Desisyon niya ang magpakasal kay Ollie.

"Good to hear. I need to go. Bye!"

Sasagot pa sana si Harri ngunit ibinaba na ni Lola Viv ang telepono. Nagkibitbalikat lang siya.

Papasok na siya ng kwarto nang siya namang paglabas ni Hannah. May dala-dala itong backpack.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa kapatid.

"Sa bahay ng classmate ko," sabi ni Hannah at nilagpasan siya.

"Anong oras ka uuwi?"

Napahinto si Hannah at muling humarap sa kanya.

"Doon po ako matutulog sa kanila. Di ba, pumayag ka na kagabi? Napag-usapan na natin 'to," naiinis na sagot ni Hannah.

Saka pa lang naalala ni Harri ang napag-usapan nila ng kapatid. Nagpaalam na nga pala ito sa kanya.

"Okay. Huwag mong kalimutan na ibigay sa akin ang pangalan, address at cellphone number ng kaklase mo. Pati na rin pangalan at number ng mga magulang niya. "

"Ate naman! Check mo nga 'yung messenger mo. Nandoon na lahat pati Facebook profile ng kaklase ko."

Ngumiti si Harri. Nilapitan niya ang kapatid at ginulo ang buhok nito.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon