18: This Kiss

4.8K 248 25
                                    


"Sorry for being late."

Sabay na napalingon sina Nick at Vivian sa kadarating lang na si Ollie. Saglit lang na napatingin si Vivian sa apo pagkatapos ay ibinaling ang pansin sa pagkain na nasa mesa.

Si Nick naman ay nakatingin sa kakambal hanggang sa umupo ito sa upuang nasa kanyang harapan.

"You're always late," mahinang sabi ni Vivian.

"I know," ang sagot ni Ollie. Kinuha nito ang pinakalapit na baso ng tubig at ininom.

"Eyeglasses at the dinner table?" Puna ni Nick.

Ollie clicked his tongue, removed his sunglasses, and raised his left eyebrow at his brother.

"Hindi ako nakatulog ng maayos," sagot ni Ollie.

Napansin ni Nick ang eye bags ng kapatid.

"Maybe because of the party you attended last night?"

"Wow! How did you know?" Kunwari ay nagulat pa si Ollie.

"Party? What party?" Tanong ni Vivian at tinitigan si Ollie.

"Lola, you know parties love me," nakangiting sagot ni Ollie while serving himself with food.

"Teka. Hindi ba't kauuwi mo lang kahapon mula Cebu?"

"Yeah, tell lola Viv about your trip,"paghahamon ni Nick.

Bago nagsalita ay tinapunan ni Ollie ng masamang tingin ang kapatid. He knows Nick already knew what happened to his trip. Gusto lang siyang ipahiya nito sa harap ng kanilang lola.

"Well, since you really want to know, my trip to Cebu was splendid. And Harri had a great time. She really enjoyed the trip," sagot ni Ollie, nakatingin kay Nick. Hinihintay nito ang magiging reaksyon ng kapatid.

"Kumusta ang dates mo with the most beautiful girls in Cebu?" Si Nick ulit.

"I had fun. The girls were really hot pero sa kasamaang palad ay wala akong napili sa kanila."

Nabitawan ni Vivian ang hawak na kutsara sa plato at kumalansing ito. Mabilis na napatingin sa kanya ang magkapatid.

"Lola, are you al—"

"Wala kang napili?" Putol ni Vivian kay Ollie. "Ang laki ng ginastos 'nyo sa Cebu tapos wala kang napili?"

"Come on, lola. It's just money."

"Just money?"

"What is money for if you don't use it for fun?" Sarkastikong tanong ni Ollie. "Para saan ba ang pera natin?"

Humugot ng malalim na hininga si Vivian habang pinakakalma ang sarili.

"I told you, this wife-hunting is useless," sabi ni Ollie sa kakambal.

"You're doing it on purpose," sagot ni Nick.

"Sino ba naman kasing nagsabi sa inyo na maghanap kayo ng babaeng mapapangasawa ko?"

"We're doing this for your own good, Olivier. Kapakanan mo ang iniisip namin ni Nick," ang sagot ni Vivian.

"Kapakanan ko o kapakanan 'nyo? Aminin 'nyo na nahihiya kayo na naging parte ako ng pamilyang ito," tumataas na ang boses ni Ollie habang nagsasalita.

"We're just trying to make you responsible," mahinahong sagot ni Vivia.

"Responsible? Like Nick?" Ollie laughed sarcastically. "Kahit ano pang gamot ang ipainom 'nyo sa akin, ikulong 'nyo man ako sa kung saang hospital, hinding-hindi ako magiging si Nick."

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon