32: Busina

4.2K 167 2
                                    


"Aisha, pasok ka."

"Kumusta na ang ate mo?" Tanong ni Aisha nang makapasok na ito sa condo nina Hannah.

Nagkibit-balikat si Hannah.

"Ganun pa rin," sagot ni Hannah at isinarado ang pinto.

"Hindi pa rin ba siya lumalabas ng kwarto?"

Umiling si Hannah.

"Apat na araw na siyang nakakulong sa loob. Ayaw ngang kumain. Ayaw akong kausapin," sagot ni Hannah.

"Naku, kawawa naman ang kapatid mo," sabi ni Aisha at naupo sa sofa. "Hindi ba pumunta dito si Nick o si Ollie?"

Muling umiling si Hannah.

"Hindi. Naka-blacklist ang mga La Ferrante. Ayaw papuntahin ni ate dito sa condo."

"Ikaw? Kumusta ka naman?"

Humugot ng malalim na hininga si Hannah.

"Okay naman. Mabuti na lang at school break na kasi pinuntahan ako ni Nick sa school namin noong isang araw."

Nagulat si Aisha sa narinig. Bigla itong na-excite.

"Ha? Tapos? Anong nangyari?"

"Wala. Hindi ko siya kinausap."

Nadismaya si Aisha.

"Ha?! Bakit naman?"

"Eh, sabi ni ate huwag ko raw kausapin si Nick o sino mang La Ferrante."

"Anong sabi ni Nick sa'yo?"

"Gusto niyang makausap si ate pero hindi ako sumagot," sabi ni Hannah. "Hindi ko rin naman kasi naiintindihan kung ano ang nangyayari."

Bago sumagot ay kinuha ni Aisha ang remote control ng TV at nilakasan ang volume. Sinulyapan nito ang pinto ng kwarto bago sumagot.

"Ang ate mo kasi, in love kay Nick. Noong huli kaming mag-usap, may plano si Nick at ang ate mo na kausapin si Ollie. Ayaw na kasi ng ate mo na magpakasal sa kanya. Si Nick ang pinili niya."

"Parang hindi naman ganun ang nangyari. Kasi bakit pati kay Nick ay galit siya?"

Saglit na nag-isip si Aisha.

"Ewan ko ba. Kaya nga gusto kong makausap ang kapatid mo."

"Gusto ko nga rin siyang makausap pero wala siyang ibang ginawa kundi umiyak diyan sa loob."

Napabuntong-hininga si Aisha.

"Kawawang Harri," sabi nito. "Subukan ko kaya siyang kausapin."

"Sige pero—"

Hindi natapos ni Hannah ang sasabihin. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Harri.

"Saan ba tayo makakabili ng malaking kahon?"

Gulat na napatingin ang dalawa sa kanya. Nakasuot siya ng pajamas at medyo magulo ang buhok niya.

Mabilis na lumapit si Hannah sa kapatid.

"Ate? Okay na ba?"

"Oo, okay lang ako," sagot ni Harri na tila walang nangyari. Napatingin siya kay Aisha. "Nandito ka pala."

"O-oo. Kumusta ka na?" Tanong nito. Halatang nagulat ito.

"Okay lang ako. Ang lakas naman ng volume ng TV. Ano ba 'yang pinapanood 'nyo?"

Mabilis na kinuha ni Aisha ang remote at pinindot ang mute.

"Wala," sagot ni Aisha at ngumiti.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon