"Ate, okay ka lang?" Tanong ni Hannah habang kumakain sila ng almusal.
Isang tipid na isinagot ni Harri.
"Oo. Kumain ka na," sagot niya habang nakatitig sa kanyang pinggan.
"Tapos na po ako," sabi ni Hannah. Kinuha nito ang walang lamang pinggan at tumayo para ilagay 'yun sa lababo.
Bumalik si Hannah at tinitigan ang nakatatandang kapatid na tila malalim na nag-iisip.
"Ate?"
Nag-angat ng tingin si Harri.
"Bakit?" Tanong niya habang nakatingin sa nag-aalalang kapatid.
"May nangyari ba sa inyo ni Ollie? Nag-away ba kayo?"
"Ha? Hindi kami nag-away. Ano ka ba? Okay lang ako. Magbihis ka na at baka malate ka pa sa school," sagot ni Harri at ininom ang kanyang lumalamig na kape.
Hindi naman kumilos si Hannah. Nanatili itong nakatitig sa kapatid.
"Ano pang hihintay mo?" Nagatatakang tanong ni Harri.
"Linggo po ngayon, ate," mahinang sabi ni Hannah.
Natigilan si Harri. Sa laki ng problemang iniisip ay nakalimutan niya tuloy kung anong araw ngayon.
Napailing siya at ngumiti.
"Matanda na talaga ako, Hannah. Pasensya ka na," sagot niya at tuluyang tumawa.
Napangiti na rin si Hannah. Saglit na nawala ang pag-aalala nito.
"Nagtataka ng po ako kung bakit ang aga mong nagluto ng almusal, ate."
"Maaga ka rin kasing nagising," sagot niya.
"May gusto po sana akong sabihin sa'yo, ate. Kaso hindi ko po alam kung paano sasabihin," sabi ni Hannah. Nakayuko ito na tila nahihiya sa sasabihin.
"Ano 'yun? May boyfriend ka na ba?"
Mabilis na umiling si Hannah.
"Pinangako ko po na hindi ako magbo-boyfriend hanggat hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral."
Napangiti si Harri sa narinig.
"Sabihin mo na kasi kung ano para hindi na ako kabahan," sagot niya.
"Promise 'di ka magagalit?"
"Promise," sagot niya.
Humugot ng malalim na hininga si Hannah bago nagsalita.
"Nakatanggap po kasi ako ng email kahapon. Hindi po ako nakapasa dun sa scholarship na in-apply-an ko," sagot nito habang nanatiling nakayuko.
Napangiti si Harri. Iyun lang pala ang inaalala ng kapatid. Akala ko kung ano na.
"Okay lang 'yun, ano ka ba?" Pinasigla niya ang boses habang nagsasalita.
Nag-angat naman ng tingin si Hannah.
"Pasensya ka na talaga, ate."
Hinawakan ni Harri ang kamay ng kapatid. Ayaw niyang mag-alala ito.
"Ako na ang bahala sa pag-aaral mo, okay? Huwag mo nang isipin 'yun. Basta ang importante ay mag-aral ka ng mabuti."
Ngumiti si Hannah. Tumayo ito at niyakap siya.
"Salamat, ate. Ang swerte ko po talaga at ikaw ang naging ate ko," mangiyak-ngiyak na sabi nito.
"Huwag mo nga akong iyakan. Ang aga-aga nagda-drama ka na," pagbibiro niya.
Tumawa si Hannah at muling naupo.
BINABASA MO ANG
His Cold Cruel Heart (Complete)
Romance"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makahanap ng trabaho ang breadwinner na si Harri. May kapatid siyang pinapaaral, marami siyang utang na...