"I can't believe na pinayagan mong tumira si Hannah sa bahay ni lola Viv," ang sabi ni Nick habang nakahiga sa tabi ni Harri.
Nasa Japanese garden ng mansion ni Nick ang dalawa. Nakahiga sila sa labas ng tent at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
"Wala na akong magagawa. Gusto niya talagang tumira doon kay lola Viv. At isa pa, mas mabuti naman 'yun para may makasama ang lola mo dun," sagot ni Harri.
"Sabagay. Lola Viv has always wanted to have a granddaughter," sagot ni Nick. Bumangon ito at pinagmasdan ang dalaga.
"May alam ka ba sa mga constellations?" Tanong ni Harri. Nakatingin pa rin siya sa kalangitan.
"Not a thing," sagot ni Nick at hinaplos ang pisngi ni Harri. "But I know the location of each mole on your face. I can connect them together and make my own constellation."
Tumawa si Harri. Kinilig siya sa sinabi ni Nick.
"Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa mga corny mong lines," sabi niya. "Gaya na lang nung mga linya mo noong nasa hospital ka. Sobrang corny pero inaamin kong kinilig ako nun."
Napatigil sa kanyang ginagawa si Nick. Tinitigan nito si Harri.
"Lines? Anong corny lines?" Nagsalubong ang mga kilay nito.
"I think there's something wrong with my eyes because I can't take them off you."
Tumawa ng malakas si Nick sa narinig.
"Your hand looks heavy. Can I hold it for you?"
Muling tumawa si Nick. Napangiti lang si Harri dahil napaka-cute nitong tingnan habang tumatawa.
"Hindi ko sinabi 'yan," umiiling na sabi ng binata.
"Your lips look lonely. Would they like to meet mine?" Patuloy na sabi ni Harri.
"No way! I did not say that. Hindi ako corny."
"Wait, ito ang pinaka-paborito ko. If there's one thing I want to change about you, it would be your last name," sabi ni Harri at tumawa ng malakas.
"Totoo naman, ah. In a few days, you're going to be a La Ferrante," sagot ni Nick at tinitigan siya.
Ngumiti si Harri at hinawakan ang mukha ng binata. Dati ay tinititigan niya lang ang gwapong mukha ni Nick. Ngayon ay nahahawakan at nahahalikan na niya ito.
"Are you happy with me, Harriet?" Seryosong tanong ni Nick sa kanya.
"Yes. I am completely happy," nakangiti niyang sagot. "Ikaw? Masaya ka rin ba?"
Bago sumagot ay hinalikan ni Nick sa noo si Harri.
"Yes. I've never been this happy. I am so happy that I am willing to give you all you want. I can buy you a star if you want."
Tumawa si Harri. Hindi niya kailangan ng bituin.
"Ba't ka tumatawa? I'm serious. You don't think I can do that? I can buy a star from NASA and name it after you. I could buy an island and name it after you. Sa dami ng pera na dinadala ni Ollie sa kumpanya ay pwede nating bilhin ang buong mundo," Nick exagerated.
"Kawawang Ollie," sagot niya.
"It will be the perfect revenge," sabi ni Nick at tumawa. "I can't believe that he's way better than me at being a CEO. Kung alam ko lang ay sana noon ko pa ibinigay sa kanya ang kumpanya."
Muling humiga si Nick sa tabi ni Harri.
"Have you forgiven my crazy brother?" Seryosong tanong nito.
BINABASA MO ANG
His Cold Cruel Heart (Complete)
Romance"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makahanap ng trabaho ang breadwinner na si Harri. May kapatid siyang pinapaaral, marami siyang utang na...