12: Pregnant

6.5K 247 16
                                    

*Raw and unedited.


"Ibig sabihin ba niyan, ikaw na ang isasama ni sir Nick sa mga tennis tournaments niya?"

Ikinuwento ni Harri ang nangyari sa tennis match nila ng boss niyang si Nick laban sa Tan brothers. Ikinuwento niya ang lahat maliban sa paghatid ni Nick sa kanya pauwi.

"Uy, 'wag kang ganyang, Lydia. Sabi mo isang beses lang," umiiling na sagot ni Harri. Ayaw na niyang makita pa ang playboy na si Kian at ang matanong nitong kapatid na si Warren kahit na nag-enjoy pa siya sa pakikipaglaro sa mga ito.

At isa pa, ayaw niyang ihatid pa siya ni Nick sa kanila. Nahihiya siya at ayaw niya itong makasama sa loob ng sasakyan nito.

"First time na nanalo si sir Nick laban sa magkapatid na 'yon. At isa pa, you're the reason kung bakit kayo nanalo. Sigurado akong ikaw na ang isasama niya sa mga tennis games niya."

Nag-alala si Harri sa narinig. Ayaw niyang mapahiya ang boss kaya't ginalingan niya ang paglalaro. Wala siyang intensyon na mangyari ulit 'yon.

"Hindi. Una at huli na talaga 'yun." Tumatawa si Harri habang nagsasalita pero ang totoo ay kinabahan siya. Naisip niya na sana ay hindi na lang siya pumayag na maging kapalit ni Lydia sa larong 'yun.

"We'll see," ang tanging sabi ni Lydia at kinindatan si Harri.

"Teka nga. Bakit nga ba hindi ka nakapunta noong Sabado? Sabi mo may importante kang lakad?" Tanong niya.

Ngumiti lamang si Lydia. Nakikita ni Harri na parang nag-aalangan ito sa pagsagot sa tanong niya.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Ano ba 'yung importante mong lakad?"

"It's a secret for now pero malalaman mo rin sa tamang panahon?"

Lalo tuloy siyang nacurious.

"Ano?"

Tumawa lamang si Lydia. Tiyempo namang bumukas ang pintuan at pumasok si Nick kaya't hindi na ito kinulit pa ni Harri.

Hindi alam ni Harri kung bakit pero nararamdaman niyang dahan-dahang umiinit ang pisngi niya habang nakatingin sa paparating na boss.

As usual, gwapong-gwapo ito sa suot na dark blue business suit.

"Good morning, sir Nick," salubong ni Lydia dito habang nakatayo lamang sa kanyang station si Harri.

"Morning, Lydia. I didn't see you last Saturday. I heard there was an urgent matter?"

Bago sumagot at sinulyapan muna ni Lydia si Harri.

"Yes, sir. I'll talk to you about it later. You want coffee?"

"Yes, please," ang sagot ni Nick.

Napatingin ang binata sa direksyon ni Harri at napangiti ito.

"Morning, Harriet."

"M-morning s-sir," nauutal na bati ni Harri. Hindi niya alam kung bakit lumulukso ang puso niya habang nakatingin sa nakangiting si Nick.

"In my office in ten?"

"Y-yes, sir," sagot niya.

Tumango lang si Nick at dumiretso na ito sa loob ng office.

Nakanganga naman si Lydia habang nakatingin sa papalayong boss. Nang sumarado ang pintuan ng office nito ay mabilis na lumapit si Lydia sa desk ni Harri.

"Psst! You're not telling me everything," mahinang sabi nito sa kanya. "What really happened last Saturday?"

Nagkibit balikat siya at nagkunwaring walang alam.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon