15: Jacket

4.6K 217 16
                                    


"Nasaan ka na ba, Ollie?"

Hindi mapakali Harri habang nakatingin sa kanyang cellphone. Kanina pa niya tinatawagan at tinetext si Ollie pero hindi pa rin ito sumasagot.

Pagkatapos nung nangyari sa penthouse nito ay naging okay na ang binata. Kinabukasan ay bumalik na ito sa pakikipag-date na tila walang nangyari. 

Nanatiling sekreto ang nangyari sa penthouse ni Ollie. Silang tatlo lang ang may alam sa nangyari. At gagawin ni Harri ang lahat para manatiling sekreto ang lahat. Iniiwasan niya na malaman ni Nick ang nangyari. Mahirap na at baka magkagulo pa ang magkapatid.

Ngayon ay ang ikaapat na beses na pakikipagdate ni Ollie simula noong nabugbog ito. At kanina pa siya hindi mapakali dahil hindi pa dumadating ang binata.

Mula sa kanyang table ay tumayo si Harri at naglakad patungo sa waiting area. Nag-aalala siya kung ano na ang nangyari sa binata. Hindi normal na hindi sinasagot ni Ollie ang mga text niya.

Muli niyang tinawagan ang binata. Nag-ring lang ang cellphone nito ngunit walang sumagot. Napailing siya. Talagang nag-aalala siya sa binata. 

Baka napaaway na naman ito. Baka hindi ito pa ito napauwi. O baka nabugbog na naman at nakalugmok na lang sa kung saan.

"Huwag naman sana," tahimik niyang panalangin.

Naisip niya na ipaalam kay Nick na hindi pa rin dumarating ang kapatid nito. Tatawagan na niya sana ang boss niya nang nilapitan siya ng isang waiter.

"Miss Harriet? Hinahanap po kayo ni Miss Claver."

Si Miss Erica Claver ang date ni Ollie ngayon. At kanina pa ito naghihintay.

Ano na naman kaya ang sasabihin niya dito? Ano na namang excuse ang sasabihin niya?

"Pakisabi na lang na papunta na ako," sagot niya sa waiter.

"Eh ma'am, gusto po kayong makausap ngayon din." Napakamot sa ulo ang waiter. Sa palagay ni Harri ay nasigawan ito ni Erica.

"Okay. Sige, sige. Pupunta na ako." 

Wala siyang nagawa kundi puntahan ang table ng date ni Ollie.

Si Erica Claver ay mula sa iyang mayamang pamilya na nagmamay-ari ng isang sikat na Filipino restaurant. Maraming branch ang restaurant ng pamilya nito sa buong Pilipinas.

Kahit na mayaman, maganda, at matalino itong si Erica Claver ay nahihirapan daw ito na maghanap ng lalaking mapapangasawa. 'Yun ang dahilan kung bakit nag-apply ito.

Nakangiti si Harri nang hinarap ang dalaga pero ang totoo ay kinakabahan siya. Medyo mainit din kasi ang ulo ni Erica nang kinausap niya ito kanina.

Bago pa siya magsalita ay inunahan na siya nito.

"He's still not here?"

Umiling siya. Nakangiti pa rin.

"Paparating na po 'yun, Miss Erica," sagot niya.

Pinasadahan siya nito ng tingin bago muling nagsalita.

"Sigurado ka ba na alam niya na ngayon ang date namin?" Nakataas na ang isang kilay nito. Hindi yata ito naniniwala sa kanya.

Nainsulto siya sa sinabi nito. Tila pinapalabas nito na hindi niya alam ang ginagawa niya.

"Alam po ni O—sir Ollie na ngayon ang date 'nyo, Miss Erica." Kalamado niyang sagot.

"It's Miss Claver not Miss Erica." Pagtatama nito sa kanya. Halatang naiirita na ito.

Naiintindihan niya naman ang kaharap. Kung siya siguro ang nasa sitwasyon nito ay magagalit din siya. Mag-iisang oras na kasi itong naghihintay.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon