28: Truth & Lies

3.8K 167 7
                                    


Nakatitig sa salamin si Harri habang maingat na nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi. Pinili niya ang kulay coral nude mula sa napakaraming lipstick na binili ni Ollie para sa kanya.

Pagkatapos maglagay ng lipstick ay pinagmasdan niya ang kabuuan ng kanyang mukha. Dati ay pulang lipstick at foundation lang nilalagay niya sa mukha. Simula nang maging fiance siya ni Ollie ay natuto na siyang mag-apply ng eye makeup at contouring sa mukha. Natuto rin siya ng iba't ibang hairstyles.

Ngayon ikakasal na sila ni Ollie ay napilitan siyang mag-ayos ng sarili. Hindi na siya ang dating Harri na simple lang. Magiging La Ferrante na siya. She has to keep up with them. Dapat maging karapat-dapat din siyang tawaging La Ferrante.

Matapos gamitin ang lipstick at inilagay 'yun ni Harri sa kanyang bag. Bago isarado ang kanyang bag ay sinuri niya muna ang laman noon. Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang wala doon ang paborito niyang eyebrow pencil.

"Hannah!" Tawag niya sa kapatid. Nakita niya kasi ang kapatid na nag-aayos ng kilay noong nakaraang araw.

Mabilis na pumasok si Hannah sa kwarto.

"Ate?" Tanong nito. Napamangha ito nang makita ang mukha niya. "Ang ganda-ganda mo, ate!"

Isang tipid na ngiti ang iginanti ni Harri sa kapatid.

"Nasaan 'yung eyebrow pencil ko?"

"Nandiyan lang 'yun sa bag mo," sagot nito. "May date ba kayo ni Ollie kaya ka nag-aayos?"

"Hindi. Pupunta ako sa bahay ni lola Viv," sagot niya sa tanong ng kapatid. "Ang eyebrow pencil ko?"

"Wala ba diyan sa bag mo? Ibinalik ko naman 'yun pagkatapos kong gamitin."

"Wala, eh," sagot niya at muling tiningnan ang bag. "Paborito ko pa naman 'yun."

"Bumili ka na lang ng bago," sabi ni Hannah at lumabas na ng kwarto.

Muling tiningnan ni Harri ang mukha sa salamin. Kahit na ibang Harri ang nakikita niya doon ay hindi naman nagbago ang kalooban niya.

She's still the same Harri inside. At ngayon ay kinakabahan siya dahil gustong makipag-usap sa kanya ni Lola Viv.

***

"Are you sure you don't want me here?" Tanong ni Nick kay lola Viv.

Nakatingin naman sa dalawa si Harri. Kadarating niya lang. Nakaupo siya sa sofa ng library ni lola Viv na nakaupo sa harapan niya. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Nick.

"Yes, I am sure, Nikolaj. Go back to work," sagot ni lola Viv.

"It's Saturday. Wala akong trabaho," sagot ni Nick at napatingin kay Harri. Nang ngumiti ang huli ay muli itong napatingin kay lola Viv.

"Then go somewhere that's not here. Mag-uusap pa kami ni Harri."

Tiningnan muna ni Nick ang dalaga bago muling sumagot. Nilapitan nito si lola Viv at hinalikan sa noo.

"I'll be outside," sabi nito at tuluyan nang lumabas.

Pagkalabas ni Nick ay hindi na nag-asaya ng panahon si lola Viv.

"You look different," sabi nito habang nakatitig sa dalaga.

Umayos sa kanyang pagkakaupo si Harri. Hindi naman mukhang galit si lola Viv. Naiilang lang talaga siya.

"Siguro po dahil sa suot ko." Ngumiti siya para mawala ang kabang nararamdaman. "Pero ako pa rin po ito. The same old Harri."

Lola Viv looked at her face and then her outfit.

His Cold Cruel Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon