6

313 7 0
                                    

"Welcome to Club Punta Fuego, Miss and Sirs." Naka-ngiti at magalang na pagwe-welcome sa amin ng mga trabahador ng resort. Kinuha nila ang mga gamit namin para dahil sa kwartong pina-reserve ko. Inakbayan ko si Eunice nang mapansing nasa kanya ang atensyon. Tama lang 'yon. Sinong hindi mapapatingin sa ganda ng kapatid ko? This is the perfect and best product of my parents! Dapat lang na ma-appreciate siya ang gawa nila.


"Would you like to have a lunch first or a fast tour?"


"Nagugutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Bored kong tiningnan si Challace na nilalandi ang mga babaeng staffs dito. Si Lavoiser naman ay parang batang naka-hawak sa damit ko habang patingin-tingin sa paligid. Argh! Bakit ba nag-imbita ako ng special child!?


"Onii-chan, I want to ride the banana boat." Bulong ni Eunice sa akin. Ngumiti ang lalaking staff.


"We have yachts here, Sir." Yachts?


"I want to sail!" Singit ni Lavoisier at itinaas pa ang kamay. Inis ko namang ibinaba 'yon.


"Mag-sail ka mag-isa mo. Tss." Tumingin ako kay Eunice, "You want too, Sis?" Tanong ko. Nag-isip siya.


Tumingin siya sa akin bago tumango-tango, "Hai!" Sagot niya sabay ngiti.


So adorable, Sissy *w*


"We'll rent later. For now, let's have our lunch. HOY, CHALLACE!" Nakuha ko ang atensyon niya. Masama ko siyang tiningnan. Nagpaalam na siya sa mga babae at malaki ang ngiting bumalik sa akin.


"Yes? Hindi lang maganda 'tong resort. Magaganda din ang tanawin at mga babae!" Binatukan ko naman siya.


"Behave kung ayaw mong sipain kita pauwi." Asar na sabi ko na nginusuhan niya lang. Diring-diri naman ako sa kabaklaan niya. Dapat talaga hindi ko na sila isinama, eh.


***

"Hoho! Tabemono wa subarashīdesu! *O*" impit na sabi ni Eunice matapos i-serve ang mga pagkain sa lamesa namin.


[Trans: The foods are amazing!]


"Waaaaah~ Ang bango~ *^*" sabi ni Challace na panay amoy sa mga pagkain. Napa-tingin ako kay Lavoisier.


Inilagay niya ang kutsara't tinjdor sa gilid ng pinggan niya at inilagay ang table napkin sa dibdib niya. Ang hayop hanggang dito dala ang kultura. Tsinelasin ko kaya 'to? Nakakaasar, eh. Ayaw niyang mahalata na dugong bughaw siya, eh, siya naman 'tong maarte. Sasapatusin ko na talaga 'to.  Nakita ni Challace ang ginagawaa niya kaya ginaya niya si Lavoisier. Mga siraulo. Sapatusin ko kayo pareho, eh. Kapag talaga nasira 'tong bonding naming magkapatid, iiwan ko sila sa gitna ng dagat. Tsk.


Mukha namang walang nakakahalata kay Lavoisier. Dito sa Pilipinas, kailangan mo munang maging sikat para pagpiyestahan. And since hindi pa naman siya pinapakilala sa publiko ng Englatera, malaya siyang nakakagalaw. Pero may mga limitasyon. Alam kong nasa paligid lang ang mga bodyguards niya. At may tracker din siya para naman alam nila kung nasaan siya at saan siya pupulutin.


Nagsimula na kaming kumain.


"That man looks like a Prince." Wala  sa oras kaming nabulunan ni Challace dahil sa narinig. Inabutan agad nila kami ng tubig. Tumingin ako sa hampaslupang bata na nagsabi 'non habang umiinom. At napakalawak ng ngiti niya habang naka-tingin kay Lavoisier. Nasaan ang magulang niya? Bakit pagala-gala siya dito?


"How do you say so?" Sagot ko dun sa bata.


"Because he looks like the next King of England." Fuuuuu---! May hidden powers ba ang batang 'yan!? Paano niya nasabi? Paano niya nalaman!?


"A-Ahahahahaha! Baka magkamukha lang talaga sila, baby boy. Coincidence ba."


"Nope, I'm sure of it. He has the pin of the royal crest. You're the crowned King, am I right? The next to the throne King of England." Wika niya habang nagniningning ang mga mata. H-He's sparkling.


Nagtinginan kaming tatlo. Tumingin sa akin si Lavoisier. Nanghihingi ng tulong. Bahala ka sa buhay mo. You wanted to live like a normal person pero hindi mo naman inaalis ang pagiging prinsipe mo. Kapag talaga kami napahamak dahil sa kaniya, sisipain ko na takaga siya pauwi sa Buckingham Palace. Tsk.


"I can tell because I love the Queen of England! She's so amazing!" Wala sa oras akong napa-tingin sa bata, "She's so powerful just like my Mother." Dagdag niya. Biglang lumiit ang ngiti niya.


"But the Queen is kind. My mother is not."


"DAVE HENRICHEN!" Nagulat kaming lahat sa sigaw na 'yon. Nanlalaki ang mga mata akong tumingin sa nagmamay-ari ng boses na 'yon. Nilampasan niya kami at nagdire-diretso sa bata na halata ang takot. Marahas niyang hinawakan ang bata at malupit na pinalo.


"I told you not to go anywhere! Bakit napakatigas niyang ulo mo, ha!? Bakit napakapasaway mo!?" Bulyaw niya sa kaniya at kinurot pa siya. Nahampas ko ang lamesa at napatato. Lumapit ako sa kanila at hinila palayo ang bata sa kaniya.


"Stop hurting your son, Ingrid." Malamig na sabi ko at itinago ang umiiyak na si Dave sa likod ko. Nakita ko kung paano manlaki sa gulat ang mga mata niya. Of all places, dito pa talaga nagkrus ang mga landas namin.


"My dear nephew! Good to see you here. Wow. You're meddling with my business now?" Pagak akong natawa sa sinabi niya.


"You never had one, Ingrid." Business, eh?


Nag-iba ang ekspresyon niya, "Bastos ka talaga kahit kailan!" Akmang pagbubuhatan niya ako ng kamay nang may tumampal sa kamay niya.


Parehas kaming napa-singhap.


"Don't just hurt my brother, you low life creature." Nanlalaki ang mga mata akong napa-tingin kay Eunice na hindi ko na makilala dahil sa kakaiba niyang aura at pagkalamig-lamig na tingin. But I can see emotions in her eyes.


Hatred.


"Y-You---! Who are---Brother, huh? Oh, so totoo ngang magkasama na kayong dalawa. So ironic. Naawa lang naman sayo ang Kuya mo kaya ka niya kinuha. Pity you, darling. Your parents never gave you any attention." Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis. Magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Eunice nang dumating ang pamilya niya. Kumuyom ang mga kamao ko nang sobra.


"Look what we have here. It's not so nice to see you here, Daxx. And...ayan na ba ang sampid na kapatid mo?"


"Say that once again and I'll show you what hell feels like. SAY IT!" Nanggagalaiting bulyaw ko sa kaniya na tinawanan niya lang.


"Hindi ako sampid dito. Baka kayo." Bagot na sabi ni Eunice habang kumakain sa plato ni Lavoisier na kinuha niya.


"You're too sexy for a 15 year old, Blanche. The old hag raised you very well." Naka-ngising sabi ni Dwayne na may kakaibang tingin sa kaniya. Nangunot ang noo ko. Tumingin siya sa akin at dinilaan ang ibaba niyang labi bago ako nginitian ng nakakaasar.


BASTARD---!


"I don't like her, Mommy, Daddy. I need to be the prettiest." Danica. Puno ng inggit ang mga mata niya habang nakatingin kay Eunice na walang pakialam sa kaniya. I knew them very well. And I knew how dirty they play too. And I knew this will come but not this soon.


"Onii-chan, can we just ignore them and eat? I don't even know them. And I know you don't want this bonding of ours to be ruined by some mere animals. I wanna eat more." Pagta-tantrum ni Eunice bago bumalik sa pwesto niya. Sinundan ko lang siya ng tingin bago tumingin sa dalawa.


"Oo nga, bro. Mawalang galang na po pero pwede magsilayas na kayo? Lakas makapanira ng araw ng mga mukha niyo, eh. Pffft." Natatawang sabi ni Challace na nakatuon ang atensyon sa cellphone niya. That was rude, but they deserve to be treated that way.


"I feel sorry for you, little boy. Here," kinunutan ko ng noo ni Lavoisier. Inilagay niya ang pin sa kamay ni Dave na umiiyak pa din.


"This is my gift for you. Don't lose it, okay? I will look for you again soon and invite you in my wedding. You'll definitely be the ring bearer." Bulong niya sa kaniya at kumindat. Bagot ko siyang tiningnan bago binatukan.


"T-Thank you, Prince...?"


"Lavoisier. Lavoisier Cepheus." Mahinang sabi niya at pinat ang ulo ni Dave. Kinuha na siya ni Dwayne. Tumigil siya sa tabi ko.


"Take care of your sister. I'll get her." At umalis na sila.


Napa-yuko ako. Nanginig ang mga kamay kong nakakuyom sa galit. May humawak ng kamay ko. Tiningnan ko ang gumawa 'non. It was my sister.


"Let's enjoy, Onii-chan?" Her sweet smile shines so bright that it outshined the hatred I'm feeling right now. Hinawakan ko ang kamay niya bago ngumiti at tumango.


"Sure, Eunice." Sagot ko. Bumalik na kami sa upuan namin.


"Bro, sigurado ka ba sa sinabi mo sa bata? You revealed your secret at him." Nag-aalalang tanong ni Challace bago pinuno ng pagkain ang bibig niya.


Ngumiti si Lavoisier habang hinihiwa ang karne, "Yes. I trust him. I knew he won't spill it. I just can't reject a boy who adores my Queen Mother. I just can't reject a boy who loves and appreciates my family and my nation." Wika niya at halatang masaya siya.


"Edi wow." Nasabi ko na lamang at inasikaso na si Eunice.



Buong oras ay puro tawanan at bangayan kaming apat. Si Baby Sis kasi, ayaw niyang i-baby ko siya. Nagkagulo tuloy kami. Sumabat pa kasi si Challace at naging dahilan 'yon para lumaki ang apoy. Dumagdag pa 'tong kupal na si Lavoisier na puro sala ang tagalog. Nakakairita!


Matapos ang pahinga matapos kumain ay napagpasyahan na naming maligo sa dagat. At heto kami ngayon, nasa isang tindahan. Bibilhan ng beach outfit si Baby Sis.


"Maganda 'tong blue, Sis. Make sure na magsho-shorts ka, ha?" sabi ko at ipinakita ang halter neck top sa kaniya. It was cute, tho.


"Ayaw ko nga, eh!" Pagta-tantrum niya. Aish!


"Sige, kung ayaw mo mag-dress ka na lang." At dahil sa sinabi ko, mas lalo siyang nainis. Nginisihan ko lang siya.


"Sis, walang kwenta ang pagpunta natin dito kung hindi ka magsusuot ng beach outfits. Sige na, pumili ka na ng gusto mo. Huwag lang bikini." Sabi ko at itinulak siya papunta sa mga damit na iba't iba ang style.


"I don't know anything about fashion, okay? Nasanay akong balot na balot dahil sa kimono!" Bakit nagagalit siya sa akin!?


"Okay lang 'yon. Sige, ako na ang bahala sa fashion style mo. Wait ka lang dito." Sabi ko at sinimulan na ang pagbo-browse ng mga damit.



"Fuck, you're such a goddess, Sis." Naka-takip sa ilong kong sabi habang naka-tingin sa kaniya. I-I can't stop nosebleeding. My sister is so gorgeous!


"T-This is embarrassing, Daxx!" Hiyang-hiya niyang sabi habang todo takip sa katawan niya.


Lumapit ako sa kaniya habang naka-ngiti at pinat siya sa ulo, "It's okay, Sis. Nothing to be ashamed of. You have to be proud of yourself. Many girls are dreaming to have that kind of body. Don't worry, I'll definitely kill ang maglalakas ng loob na bastusin ka. I want to give you the life you never had before, Eunice. Hindi ka na nakakulong." Sabi ko sa kaniya at pinisil ang mga pisngi niyang sobrang lambot.



"OI! DAXX!" Napa-tingin ako sa dalawa na mga naka-trunks na lang ngayon at may mgs dalang surfing board.


Huminto sila sa harap namin, "Wow! You look great, Baby Girl! Ang ganda talaga ng fashion taste mo, brad." Challace. Kinunutan ko ng noo si Lavoisier na naka-tulala kay Eunice. Hampasin ko nga surfing board. Mahina lang para bumalik siya sa realidad.


"O-Oh. Sorry for staring. That was rude. I was just... I was mesmired. You're gorgeous, Blanche." Naka-ngiti niyang sabi habang naka-tulala pa din sa kaniya. Batukan ko nga. Nakakairita, eh!


"Tsk. Tara na nga! Hoy, bantayan niyo si Eunice. Magpapalit lang ako. Kapag 'yan minanyak niyo, lulunurin ko kayo sa dagat." Seryosong banta ko sa dalawa. Tinawanan lang ako ni Challace. Sumaludo naman sa akin si Lavoisier.



Papatayin ko talaga sila kapag hinarass nila kapatid ko. Psh.

My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon