"Hmmm, what about this ref, Eunice?" Tanong ko kay Baby Sis at tinap ang ref. Binuksan niya 'yon.
"Gusto nyo po ba ng may freezer, Sir? Para po ba kay Ma'am? Sa kwarto nya po ba?" Tanong ng clerk. Tumango ako.
"For her own food and snacks." Sagot ko at tiningnan din ang loob ng ref.
"Too small. Gusto ko 'yung may layers." Naka-cross arms nyang sabi at tumingin sa paligid.
"Ay, alam ko na ang gusto nyo, Ma'am! Halika po." Naka-ngiting sabi ng clerk. Sinundan naman namin siya. Huminto kami sa ref na lagpas sa bewang ko.
"May freezer na din po siya, Madamme, at may layers din po katulad ng gusto niyo. Marami po kayong mailalagay dito kagaya ng chocolates, yogurts, cakes, mga beverages at marami pa pong pagkain. Pwede din po ang mga gulay." Proud na sabi niya at binuksan ang ref. I like his attitude. He's doing his job right. Tiningnan ko ang presyo ng ref.
Tumataginting na pitong libo!
"Bro, bakit hindi ka na lang bumili ng malaking ref? Mas sulit pa kay Blanche yon at maraming mailalagay." Suhestiyon ni Challace na nasa babaeng clerk ang atensyon. Batukan ko nga. Ang landi, eh.
"Yes, I second the motion. It will be better. Right, Baby?" Nangunot ang noo ko kay Lavoisier.
"---Girl?" Dugtong agad niya at alanganing tumawa. Inirapan ko na lang siya.
"Malaking ref po ba ang hanap niyo? Meron din po kaming pasok sa taste niyo!" Masiglang sabi ng clerk at sinandalan ang ref na nasa tabi lang.
"This is our best-seller and limited edition high-tech refrigerator!" Pagpapakilala niya sa amin ng produkto. Her eyes glistened, she likes it.
"Marami po kayong mailalagay ditong---"
"Onii-chan, I want this! *^*" she exclaimed habang naka-yakap na sa ref. Ngumiti ako at tumingin sa presyo ng ref.
Tumataginting na bente mil!
*sigh*
"Okay. If that's what you wanted. Kukuhanin na namin 'yan. Challace, ikaw na muna ang bahala. Pupunta lang kami sa Department Store." Sabi ko at iniabot ang credit card ko sa kaniya.
"Walang problema, Daxx!" At umalis na siya kasama ang clerk.
Tumingin ako kay Lavoisier na tumitingin sa washing machine. Seryosong-seryoso at sinabing, "Is this some kind of portal to another dimension? Or a time-travel machine?" Sabi niya at hinawak-hawakan ang produkto. Lumapit ako sa kaniya bago siya malakas na binatukan.
"Siraulo! Washing machine 'yan! Labahan ng mga damit. Bobo." Umismid ako, "Samahan mo kami sa Department Store. Madami kaming bibilhin." Kinakamot ang ulo siyang tumango at matamis na ngumiti sa kapatid kong nakahawak sa damit ko. Inakbayan ko si Eunice bago siya sinamaan ng tingin. Ngumuso na lamang siya at humawak din sa damit ko.
"Baka mawara ako." Tanginang bulol 'to. Mukha bang ako ang guardian niya!? Tsk. Hayaaan na nga. Baka maimbyerna lang ako kapag nakipagsagutan pa ako sa kaniya.
***
"I've set an appointment to an interior designer, Sis. Tell her what you want to change in your room para maganda ang kwarto mo, ha?" Malambing na sabi ko sa kaniya at pinat siya sa ulo. Agad naman siyang umiwas at umismid.
"You don't need to waste your moneys, Onii-chan. It's okay to be simple."
"Haist. Umoo ka na lang, Sis. Pambawi ko din sayo. Kung hindi tayo gagastos, walang kikitain ang iba. Nakatulong na tayo, napaganda pa natin kwarto mo. Oh, diba?" Paglalambing ko sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. My sister is so squishy~ UwU
BINABASA MO ANG
My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]
Novela JuvenilDaxx Uranium Henrichen, the Henrichens' successor, and the family's main focus was on him. The reason is to nurture and assure his successful future where he will be the one to manage their businesses. Blanche Eunice Henrichen is the youngest member...