This is my first day of school, at lahat ng atensyon ay halos nasa akin. Wala namang mali sa uniform ko. Hindi siya bitin at sumobra. Tama lang ang length at size sa akin. So, anong tinitingin-tingin nila?
"Oh my gosh, she's here! Blanche Eunice Henrichen!"
"Wow, ang ganda nga niya sa personal."
"She's amazing!"
"Look, pare, napakacool."
"Ang astig!"
And so on and so forth. Medyo ilag ako sa kanila dahil sa mga atensyon na ibinibigay nila sa akin. Hindi ako sanay. Niluwagan ko ng kaunti ang halter belt ko sa bewang dahil pakiramdam ko ay sino-suffocate ako ng mga estudyante na nasa akin ang mga atensyon. Nasa likod ko ang wooden at katana ko. Dala-dala ko talaga sila kapag pumapasok ako o lumalabas. For my own safety. Or kapag emergency naman.
"S-She's scary...but amazing." Sabi ng isa kaya napa-tingin ako sa kaniya. She and her friends flinched at nagmamadaling tumakbo palayo. I sighed. Wala na akong pag-asa sa socializing.
Nagtuluy-tuloy ako sa classroom ko. Hanggang sa corridor hakot ko ang mga atensyon. It's awkward and embarrassing, okay? Nakakailang ang mga tingin nila. Para bang jinajudge nila ako hanggang sa kaluluwa ko. Haist. Mas mabuti na 'to kesa dumugin nila ako. Mas mahirap 'yon.
"Good morning. I'm Blanche Eunice. Nice to meet you all." Bati ko sa kanilang lahat na napakatahimik at mga naka-nganga sa akin. Tumingin ako sa guro na naka-ngiti sa akin at itinuro ang mauupuan ko. Tahimik akong pumunta roon. Medyo nasa gitna ako dahil alphabetical order ang sinusunod dito when it comes to seating arrangements.
And damn, second periodical test na pala. Nag-take na din ako. Mukha namang napag-aralan ko na ang mga ito bago pa ako lumipat dito. Madadali lang naman ang mga tanong. Grade 10 questions ain't that hard. Gusto sana akong bigyan ng special exam ng teacher pero tumanggi na lang ako. Baka sabihin masyado akong paimportante. As much as possible, iiwas ako sa gulo. Lalo na't puro inggitan ang mga estudyante sa mga panahon na 'to.
Lumipas ang mga oras at walang nagbago. Walang nagtatangkang lumapit sa akin. Natatakot sila, alam ko. But I can't help to glare at them. Mukhang normal na ito sa akin. Hindi ko na mababago pa. Tumingin ako sa babaeng katabi ko na kanina pa nanginginig sa takot at pinagpapawisan sa sobrang kaba.
"You're a scholar, ain't you?" Pagkausap ko sa kaniya. Napa-tingin siya sa akin at mabilis na tumango habang nanlalaki ang mga mata. I reviewed the terms and conditions of the school regarding scholars.
Every month ay may natatanggap silang 10,000 as their allowance. Wala din silang ibang binabayaran unlike sa mga elites na 80,000 and more ang binabayaran. Dumedepende pa. At ang alam ko lima lang ang scholars dito. Dahil napakahihirap talaga ng tine-test. Proven and tested 'yon dahil nag-take ako ng exam kahapon. At nakapasa ako. Sayang kasi 'yung 10,000 kaya pinatos ko na. Extra income din 'yun.
"Wanna join me in my recess?" Pag-iimbita ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umiling. Mahahalata mo naman kung sino ang mga scholars sa hindi. Kupas na ang uniform niya at iba na rin ang kulay. Life must be really hard for them. I'm so blessed to have the life I have right now.
"P-P-Po? H-Hindi na po. B-Baka po kung ano pa ang isipin nila. A-Atsaka, kasabay ko po ang iba pang mga kaibigan kong scholars din. Salamat na lang po sa imbitasyon." Takot na takot niyang sabi na ikina-irap ko.
"Wala kang karapatang i-turn down ang invitation ko. Call the other scholars. Scholar din ako dito."
"K-Kahit po k-kayo ang may-ari ng school?" Tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]
Teen FictionDaxx Uranium Henrichen, the Henrichens' successor, and the family's main focus was on him. The reason is to nurture and assure his successful future where he will be the one to manage their businesses. Blanche Eunice Henrichen is the youngest member...