"Grrrrrr." Panggigil namin ng demonyong nasa balikat ko habang pinapanood ang dalawa na lumalangoy.
Kanina pa nangangati ang kamay kong suntukin si Lavoisier Cepheus Adenhart dahil sa panglalandi niya sa kapatid ko habang nakatalikod ako kanina! Alam ko lahat ng mga ginawa niya dahil ni-report 'yon sa akin ni D, ang demonyong nasa balikat ko.
"Malinaw na malinaw naman, Daxx, na pumoporma 'yang si Lavoisier sa kapatid mo. Tingnan mo ng mabuti kung saan siya nakahawak. Sa bewang niya. Kung ako 'yan, susugurin ko 'yan at lulunurin ko sa dagat." Sabi ng demonyo ko na nagsa-sunbathing sa balikat ko. Bigla namang sumulpot ang guardian angel ko sa kabila kong balikat, si DD.
"Hayaan mo lang silang dalawa, Daxx. Nakikita mo namang masaya ang kapatid mo sa kaniya. Hindi ba't iyon ang gusto mo? Ang maging masaya siya?" DD. Bigla akong napa-isip.
Oo. 'Yun nga ang goal ko. Ang mapasaya si Eunice. Gusto ko siyang pasayahin para makabawi ako at para mapawi ko lahat ng kalungkutan niya noong malayo siya sa akin. As a brother, responsibilidad ko ang bantayan at protektahan siya. Ganun din ang kaligayahan niya.
"Ha! Huwag kang makikinig kay DD, Daxx. Ako ang pakinggan mo. Masyado pang bata si Eunice para sa pag-ibig. Paano kung saktan siya ni Lavoisier? Makakaya mo bang makita na umiiyak ang kapatid mo dahil siya'y nasawi?" D. Nag-init agad ang ulo ko kay Lavoisier dahil sa sinabi niya. Sasaktan niya si Eunice!? Hindi ako makakapayag!
"Pero mas mabuti na 'yung malapit lang sayo at kilala mo kesa naman sa ibang tao pa ang bagsak niya, hindi ba?" Katwiran naman ni DD. At some point, tama din naman siya. Kilala ko na si Lavoisier at hindi ako mahihirapan sa paghahanap once na saktan niya si Eunice. Pero tama din si D. Masyado pa ngang bata si Eunice para sa love, love, love na 'yan. She still doesn't know the true nature of it.
"Pero kilala na nga ba niya ng sobra si Lavoisier?" Napa-tingin ako kay D na naka-ngisi kay DD. Tumayo siya sa balikat ko at pinaglaruan ang hawak niyang pitchfork.
"Iba siya sa normal na tao at alam niyo 'yan. Isa siyang Prinsipe. Sige, sabihin na nating gusto nila ang isa't isa. Pero ang Reyna at ang buong Englatera, gusto ba nila si Eunice para sa magiging Hari nila?" A brick fell on me.
Ibinalik ko ang atensyon ko kina Eunice at Lavoisier na nagsu-swimming lessons sa dagat. Tumingin si Eunice sa akin na malapad ang ngiti bago kumaway sa akin. I smiled back at kumaway din sa kaniya. She seems so happy. With Lavoisier.
"But Eunice isn't just a commoner, D. May maipagmamalaki ang pamilyang Henrichen. At tanyag din ang pamilya ninyo sa larangan ng pagnenegosyo. Dating Army General ang Lola mo. At dati namang Air Force Liutenant ang Lolo mo. Nagretiro man sila ay malakas pa din ang kapit ninyo sa bansang Estados Unidos. At may mga talento si Eunice na hindi pa man natin nadidiskubre ay alam na nating sapat na para matanggap siya bilang isang Reyna." Katwiran ni DD na sobrang kalmado at ngumiti kay D. Naasar naman ang demonyo dahil doon.
"Napaka-pabibo mo talaga kahit kailan, DD." Galit na sabi niya at nabalutan ng apoy. The fuck? Don't tell me ngayon pa sila mag-aaway?
"Ginagampanan ko lamang ng mabuti ang aking tungkulin bilang anghel ni Daxx, DD. At ganun ka rin. Hanggang sa muli!" At sabay silang nawala. Natampal ko ang noo ko at napa-iling.
Did I just had a talk with my own demon and angel?
~
"Tama na 'yang swimming na 'yan, Sis. Lavoisier, umahon na kayo." Tawag ko sa kanilang dalawa at hinanda ang mga twalya. Nasa likod ko si Challace na may kalandiang mga babae. Umahon na ang dalawa nang magkahawak kamay.
BINABASA MO ANG
My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]
Novela JuvenilDaxx Uranium Henrichen, the Henrichens' successor, and the family's main focus was on him. The reason is to nurture and assure his successful future where he will be the one to manage their businesses. Blanche Eunice Henrichen is the youngest member...