25

299 8 0
                                    

"UWAAAAAAAAHHHH!! UWAAAAAAAAAHHH!!!"

"Waaaah!" Napa-balikwas ako ng bangon at napa-tingin sa kambal na umiiyak. Agad ko silang nilapitan, "Good morning, babies! Anong iniiyak-iyak niyo? Ang aga-aga, ha." Naka-ngiting sabi ko sa kanila bago sila binuhat pareho. Sabay nilang nanahimik.

"Yuni?" Napa-tingin ako kay Kashima na naka-silip sa pinto, "Breakfast." Tipid na sabi niya na tinanguhan ko naman.

"I'll feed them first. Shoo, shoo." Pagtataboy ko sa kaniya na ikina-irap niya agad at lumabas. Humiga ako sa kama at itinaas ang damit ko.

"Sinong mauunang mag-breakfast?" Tanong ko sa dalawa na naka-tingin lang sa akin. Natawa ako at pinanggigilan silang dalawa.

"Sige na nga sabay na kayo." Natatawang sabi ko at pinakain na sila.

~

"UWAAAAAAAHHHH!!! UWAAAAAAAHHH!!!"

"Waaaah! Yes, yes! I'm awake now!" Gulat na gulat kong sabi at itinulak ang swivel chair papunta sa crib nilang dalawa at binuhat sila. Nakatulog pala ako habang nagre-review. Haist. Gutom na naman sila? Tumingin ako sa bote nila. U-Ubos na agad? I sighed. Ang takaw naman ng kambal na 'to.

"Nii-chan! Stupid!" Nanlaki ang mata naming pareho ni Kashima dahil sa sinabi ni Katana sa kapatid niya. W-What the---!? Saan naman niya natutuhan ang salitang 'yon!?

"Baby, it's bad. Don't say that again, okay? Say sorry to Nii-chan." Mahinahong sabi ko kay Katana na subo-subo ang paa ng stuff toy niya.

"Katkat panget." Sabi naman ni Kaizerence na ikina-samid ko. P-Panget!?

"Kaizerence!?" Oh, god! Saan nila natutuhan ang mga salitang sinasabi nila? Gracious, ayokong lumaki ang mga anak ko na palamura katulad ng Tito nila. Nakakaloka!

Lumipas ang mga buwan at nasasaksihan ko ang paglaki ng mga anak ko. Masarap sa pakiramdam na may mga bata akong pinagtutuunan ng pansin, ginagabayan at tinuturuan pero isa silang malaking SAKIT SA ULO, at totoo 'yan. Natatampal na lamang namin ni Kashima ang mga noo namin dahil sa kakulitan nila. Lalo na kapag kasama nila ang mga underlings ko sa yakuza na tuwang-tuwang nakikipaglaro sa kanila. Minsan ay bumibisita kami sa emperador and hell, hindi maganda lagi ang nagiging ending 'non dahil sa kambal. The last na bumisita kami sa palasyo ay nasunog nila ang hardin sa palasyo > ____ >.

Hindi madali ang magpalaki ng bata. Lalo na kung dalawa at makukulit pa. Hindi naman ako pwedeng umasa na lang lagi kay Kashima dahil may mga bagay din siyang pinagtutuunan ng pansin. I feel pity for my twins everytime that they will wish to see their father in their birthdays. I...I want to introduce them at him, though. Pero baka may pamilya na din siya at ayokong magkaroon muli ng gulo. Ayokong...makita siya. Sila. Na masaya. At may pamilya na.

"Baby Sis! Time to take a bath already! I have your tuwarya!" Sigaw ni Kaizerence habang paikot-ikot sa buong bahay. Hinahanap si Katana na tinataguan na naman siya at ayaw maligo.

Napapa-ngiti na lamang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Naaalala ko sa kanilang dalawa si Daxx, pati ako. Na-e-excite tuloy akong makita ang reaksiyon niya kapag nakita niya ang kambal. Manggagalaiti kaya siya sa galit dahil kamukha nila ang ama nila at hindi siya o maiiyak siya sa sobrang tuwa? Hindi ko alam. Napapa-ngiti na lamang ako kapag ini-imagine ko ang mga maaari niyang maging reaksiyon.

Nagtapos ako ng pag-aaral at Law ang kinuha kong kurso. Proud na proud sa akin ang kambal na anim na taong gulang na ngayon. Nakakatuwa dahil parehas silang nag-e-excel sa klase nila. At madalas tuwing examination ay silang dalawa lang ang nag-aagawan sa unang pwesto. Nagkakaroon tuloy sila ng tampuhan kapag nangyayari 'yon. Kapag second lang si Katana, todo ang panunuyo ni Kaizerence. Minsan ay isang buong araw siyang umiyak sa akin dahil ayaw siyang pansinin ni Katana. He begged for me na dalhin ko sila sa Disney Land at para magbati na sila, pumunta nga kami doon.

My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon