"Hiyah! Hayah! Hayah!" Sigaw ko sa bawat suntok na pakakawalan ko sa sako. Narinig ko ang pagpalakpak ni Sensei.
"Tama na iyan, Blanche. Magpahinga ka na. May bukas pa." Sabi niya na naka-silip sa pinto. Tumingin ako sa kaniya bago tumingala.
"Pumasok ka na sa loob. Maghahapunan na." Dahil na rin siguro sa gutom ay agad niya akong napapasok sa loob. Nakahanda na sa kahoy na lamesa ang mga pagkain na inihanda niya. Umupo ako sa pwesto ko. Napa-tingin ako kay Kashima na walang imik.
"Salamat sa pagkain." Sensei.
"Salamat sa pagkain." Ako at si Kashima.
Ito ang routine ko araw-araw. Umaga, tanghali, hanggang gabi ay puro training ang ginagawa ko.
Limang taong gulang ako nang makilala ko si Sensie. Siya ang pinakahuling ninja ng Japan. Kwento niya sa amin, naging inspirasyon niya si Bruce Lee sa larangan ng martial arts. Kaya naman noong tatlong taon pa lamang siya ay sumama siya sa grupo ng mga ninja upang matutong makipaglaban.
Isa lang akong batang paliwa-liwaliw dahil wala akong kaibigan. Limang taon pa lamang ako pero alam ko na lahat ng mga nangyayari sa pamilya namin. Sa gitna ng paggagala ay nadapa ako. I cried, seeking for help. But no one came. But Sensei. Pinatuloy niya ako sa bahay niyang puro mga patalim. Pinatuloy niya ako sa isang templo. Namangha ako sa lalaki at babaeng nasa labas ng bahay niya at sabay-sabay ang mga galaw. Nabighani ako sa ganda ng mga galaw nila at dahil doon ay ninais kong matuto ng martial arts.
"Hindi basta-basta ang pag-aaral ng martial arts, bata. Kailangan mo munang hubugin ang iyong isipan at ang iyong layunin bago ka sumabak sa ganitong klaseng paghihirap. Bumalik ka na lang dito kapag handa ka na."
Those are the words he told me. Kaya naman kinabukasan ay bumalik agad ako sa templo niya, matapang at buo ang desisyon kong sinabi: "Handa na po ako, Sensei!"
Nagulat silang lahat. Nakakatawa para sa kanila dahil ang limang taong gulang na ako ay umaakto na para bang isang matanda at buo ang loob na matutuhan ang isang bagay. Sinabi ko kay Sensei ang away sa pagitan ng pamilya namin.
"Gusto ko pong matutong protektahan ang sarili ko. Gusto ko pong matutong tumayo sa sariling kong mga paa at maging malakas at matibay. Na kahit ako lang po mag-isa ay makakaya ko pa din pong mabuhay!" Matigas na sabi ko kay Sensei at lumuhod sa harap niya at idinikit ang noo ko sa sahig.
"Parang awa niyo na po! Turuan niyo na po ako!"
"HINDI."
Pero hindi ako sumuko kay Sensei. Araw-araw ay kinukulit ko siya. Minsan ay nakikisabay na din ako sa mga estudyante niyang nasa labas ng templo niya. Ayokong sumuko sa isang bagay na alam ko namang may mabuting maidudulot sa akin. Gusto ko, kapag nakita ako ng mga magulang ko, magiging proud sila sa akin. Na ang anak nilang babae ay malakas! Matapang! At hindi alam ang salitang 'pagkatalo'.
"Makulit ka talagang babae ka. Sige na. Pumapayag na ako. Kung doon ka sasaya. Ihanda mo ang sarili mo. Magsisimula na agad tayo!"
Isa. Ang una ay isang kilometrong pagtakbo. Isa. Isang daang push-ups. Isa. Isang oras akong natayo habang may hawak na mga timbang punung-puno ng tubig. Isa. Isang malaking sako ang dapat kong hilahin paikot sa buong templo niya. At marami pang isa.
BINABASA MO ANG
My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]
Teen FictionDaxx Uranium Henrichen, the Henrichens' successor, and the family's main focus was on him. The reason is to nurture and assure his successful future where he will be the one to manage their businesses. Blanche Eunice Henrichen is the youngest member...