SID 21

1.4K 45 0
                                    

Naiwan akong mag isa sa rooftop habang nakatingin sa sigarilyo na inapakan ni Zexien,kinabahan ako sa sinabi niya baka pinagtitripan niya lang ako o ano.

Di niya rin naman di ba magawang kumitil nang buhay,di ba?O baka talagang kaya niya.

Agad kong tinapon ang sigarilyo ko at bumaba na rin hindi ko ma ialis ang kaba na nararamdaman ko at naalala ko pa ang bawat salita na binatawan niya.

Hindi na ako nag attend pa nang mass sa hapon na iyon dahil mukhang nanghina ang katawan ko sa mga sinabi ni Zexien.

Ashton Pov

Nandito kami ngayon sa simbahan at katabi ko si Zexien na sa ngayon ay natutulog,palagi ba talaga to natutulog?

Nakayuko ito habang naka dekwatro at minamasdan ko naman siya.

Akalain mo ang dating masayahing dalaga na nakilala ko ay hahantong sa pagiging isang ignorante at walang takot na dalaga.

Magkaiba sa nakasanayan ko,Ano nga ba talaga ang nangyari sayo Zexien hanggang ngayon isang malaking misteryo sa akin ang dalawang taong pagkawala mo.

At ano ang naging dahilan nang pagbabago mo.

Mr. Fredo Pov

Nandito ako ngayon sa labas nang paaralan ni Zexien upang kausapin siya tungol sa inalok na trabaho sa kanya nang organisasyon namin.

Ang kaba ko sa maaring maging desisyon niya ay muling sumiklab.

Nakita ko na rin siyang lumabas kaya tinawag ko siya agad naman itong tumungo sa akin."Anong kailangan mo?"tanong nito."Sa office ko na lang tayo mag usap ano?"sabi ko saka pinagbuksan siya nang pintuan sa sasakyan ko.

Pagkapasok niya agd ko itong pinaandar at tumungo na kami nang office ko.

Pagkadating dun ay humanda muna ako nang makakain namin.

"Ano na?"naiinip nitong tanong.
"Gusto ka sanang kunin nang organisasyon namin,Zexien."sabi ko."Ano isa din ba akong eksperimento niyo?Tss."inis nitong sagot."Hindi naman,Zexien.Ang organisasyon namin ay nililigtas o sinisira ang mga taong sangkot sa ano ma g krimen sa underground."paliwanang ko."Tss,makakapatay ba ko dyan?"tanong nito."D-Depende."sagot ko."Sige pasok na ko."sagot nito agad."I
lalagay ka namin sa team A."sabi ko ulit."Team A?"nagtatakang tanong nito"May mga team kasi kaming binibigay at ang team A ang nangunguna mataas na level na sila nang organisasyon namin.Nasa officials ako kaya di ako kasama sa team,magiging pangalawang kamay ka ni Hunter."paliwanag ko sa kanya."Hunter?"tanong nito ulit."Magka edad lang kayo,anak siya nang head nang organisasyon namin,siya si Hunter Ace Wilruby. Bawat isa sa inyu ay may codename,lalo na't tago ang mga pagkakatao natin sa  publiko."paliwanag mo ulit.

Nagkibit balikat lang itonsa akin,"Kelan ako sisimula?"tanong nito."Bukas ay ipapakilala kita sa buong organisasyon.Z-Zexien pwede ka namang umayaw eh,mapanganib kasi ang trabaho namin."sabi ko sa kanya."Mapanganib rin naman ako."sagot nito saka inubos na ang pagkain niya.

"Iba na ang mga mababangga mo dito Zexien."sabi ko naman habang nakayuko."Ngayon mo yan sasabihi kung kelan tinanggao ko na?"inis nitong sabi saka tumayo na."Pag-usapan natin ito bukas sa HQ niyo,sunduin mo na lang ako."sabi nito saka lumabas,walang respeto talaga yun sa akin.

Pero napa-isip naman ako,tama nga bang ipasok ko sya sa organisasyon namin?Marami akong mga desisyon na pinagdadalawang isip,dahil natatakot ako magiging kahihinatnan nito

Tyler Pov

Gabi na nang lumabas ako sa bahay para tanungin sila Tita kung nakauwi na ba si Zexien,kinabahan ako ulit paano kung may nangyari na masama sa kanya?

Inis naman akong lumakad pero agad akong nakakit nang anino papalapit sa bahay nila Tita."Zexien!"sigaw ko agad naman itong humarap sa akin."Saan ka galing kanina ka pa namin hinahanap akala ko kung napaano ka ulit."pangaral ko sa kanya."May binili lang ako."sagot nito."Ze,sana naman matuto kang bigyan halaga ang mga pag-alala namin sayo."sabi ko sa kanya."Sana binigyan niyo din nang halaga ang buhay ko.Nung mga araw na nawawala ako,sana hinanap niyo pa rin ako."sabi nito saka pumasok na sa bahay nila,napatingin ako nang matagal sa bahay nila at inisip ang mga salitang binitawan niya.Naramdaman ko ang lungkot niya,kahit nagbago siya,tao pa rin siya di niya magagawang itago ang nadadarama niya lalo na at kilalang-kilala ko na siya.

Bumalik na ako nang bahay namin at dumiretso sa kwarto ko matagal din akong tumingin sa mga librong binigay niya sa akin.

"Ze,patawad kung sumuko kami kaagad sayo."mga tanging lumabas lang sa mga labi ko.

Sana pala hinanap ka pa rin namin,siguro naging malungkot ang dalawang taong pagkakawala mo,Ano ang nagpabago sayo?Kami ba ang dahilan?

Alam ko sa sarili ko,na mahirap pakisamahan si Ze ngayon,pero iniisip ko lang na meron siyang adjustment sa amin pero hindi eh,talagang lumayo na siya at nahihirapan kaming abutin siya,parang pag-aabutin namin siya tinutulak niya kamk palayo.

Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sayo,Ze.

"Kuya."tawag sa akin ni Tyker sa labas bukas pa pala ang pintuan nang kwarto ko."Pasok ka dito."sabi ko sa kanya.Agad naman itong pumasok habang may hawak na milkita."Parang nag iba na ang lasa nang milkita ah."sabi ko. Tumango naman ito agad."Hindi na kasi si ate Zexien ang nagbibigay."malungkot na tugon nito,ginulo ko naman amg buhok niya."Babawi sayo si Ate mo Zexien hintayin mo lang,sa ngayon intindihin mo na alng muna kasi kakabalik niya palang sa atin kaya nahihirapan pa siya."paliwanag ko naman sa kanya."Pero kuya pamilya niyat
tayo."sabi nito ulit."Oo,pero naguguluhan pa si Ate mo Zexien.Kaya hayaan mo na lang muna."sabi ko sa kanya.

Tumangi naman ito bilang sagot saka nagpaalam na babalik siya sa kwarto niya agad ki namang sinara ang pintuan at naghalf bath na sa cr.

Pagkatapos ay nag bihis na ako at  agad na sinend ang schedule nang practice namin sa basketball at kung kelan na ito mag uumpisa.

Saka inayos ko na rin ang mga gamit ko para bukas,marami pa akong dapat asikasuhin pero mas gusto kong pagbigyan si Zexien ngayon lalo na at bagong dating lang siya ulit dito kasama kami

She is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon