SID 20

1.5K 52 3
                                    

Pumunta na ako sa office nang publication,para sana itanong kung when na yung photoshoot.

"Huy jel!!"sigaw ko sa head nang Publication dahil palabas na ito."O ikaw pala,Fury."sabi nito sabay ayos nang salamim niya."Magtatanong sana ako about sa schedule nang photoshoot ko,kasi baka magkaconflict sa sched ko sa practice nang basketball."sabi ko."Ay,Naku sige,pasok ka lang dyan sa office,sabihan mo si Pat ang secretary ko about sa sched kasi nagawan na rin yun."sagot ni Jelly.

"Sige mauuna ako."sagot ko. Agad naman akong pumasok sa office saka nagtanong sa secretary niya."Baka magka conflict kasi sa sched ko din sa practice."sagot ko saka niya naman kinuha ang lista nang scheds ko
"Eto ho siya,inform nio lang kami pag nagkaroon nang conflict."sagot nito tumango naman ako bilang sagot.Agad naman akong lumabas dahil ipapatingin ko pa kay Coach ang aming sched if pwede ba or hindi.

Habang naglalakad ako at tumitingin sa schedule nakabanggaan ko si Tyler."Ay,Magpapacheck sana ako nang sched,kasi andito na yung sched ko sa modeling."sabi ko."Andito na rin sa akin ang sched nang practices natin,dito mo na lang icheck."sabi nito sa akin,agad ko namang kinuha ang schedule at tiningnan."Mabuti naman at walang conflict,MWF 7:00-9:30 Pm practice natin,saka TT 2-3:00 pm naman tama lang dalawang araw ang modeling ko."sabi ko."Ano?"tanong nito sa akin."Thursday saka Monday pero sa Monday 3:-4:00 pm sa Thursday naman umaga shooting ko."paliwanag ko."Ang academic naman pinoproblemahan ko."sabi ni Tyler,"Yan din ang disadvantage ko nung nasa grade 12 ako."sagot ko.Napakamot naman ako nang ulo ko,panibago namang problema to."Siguro quit na lang muna ako sa modeling kailangan kong makapasa ngayon."sabi ko,"Tama nga,marami pa namang opportunidad para sayo."sabi nito.Tumango naman ako at saka bumalik sa office nang publication at andun na ulit si Jelly."Oh?May conflict ba sa sched mo?"tanong nito sa akin."Wala naman pero,parang mahirap naman to sa akin dahil kailangan kong bumawi this year."sabi ko naman."Sige naiintindihan kita,Fury,pero if ever na gusto mong bumalik welcome ka dito."sabi nito sa akin binigay ko naman kaagad ang sched saka lumabas. Kakailanganin ko ngayon ang makapasa sa grade 12.

Pumasok na ko sa room at agad kong nakita na andun na si Zexien at kinakausap siya ni Ashton pero tinitingnan niya lang ito.

'Tama yan Zexien, ipakita mo sa kanyang di ka interesado.'

Agad na kong tumugo sa upuan ko na sa ngayong inuupuan ni Ashton.

"Baka gusto mong umalis sa upuan ko,bata?"walang gana na sabi ko sa kanya. "Pwede bang maghintay ka na lang dyan muna,Tanda."sagot nito. "Zexien tara maglunch na tayo."sabi ni Ashton.

"Huwag mong pilitin ang ayaw."sabi ko kaya agad naman itong tumayo.Nilagpasan niya ko habang ang isa nitong kamay ay sa bulsa niya.Bigla itong nagsalita."Kaya pala ginamit mo si Zexien para mapasayo sana si Francyne?Kasi ayaw mong pilitin si Francyne eh kaya gumamit ka nang taong inosente."sabi nito napatulala naman ako sa sinabi niya at agad kong tiningnan si Zexien na nag iba bigla expression nito."Mga gago,tss."sabi niya saka agad na tumayo at lumabas."Mauuna na ko,Fury."sabi nito pagdidiin sa pangalan ko.

Napa-upo naman ako kaagad,parang biglang may tuminik sa puso ko at nabuong pagsisi.

Gusto kong ideny yun pero tama si Ashton,tama siya.

Agad ko naman inayos ulit ang mga gamit ko at lumabas,nagtungo ako sa rooftop at agad kong sinindihan ang sigarilyo ko.

"Tss."narinig kong nagsinghal mula sa likod ko kaya agad akong napatingin rito at nakita ko si Zexien na nakatingin sa akin."Z-Zexien,Anong ginagawa mo rito?"tanong ko."Anong ginagawa mo din dito?"balik na tanong niya."Nagpapahangin ako,ikaw?"sabi ko.Di ito sumagot lumakad lang ito at tumabi sa akin,ang lapit niya sa akin,amoy na amoy ko ang halo nang bango nang vanilla saka mint sa kanya."Meron pa?"tanong nito habang nakatingin sa sigarilyo ko."Ha??Ah Oo."sagot ko at binigay sa kanya ang isa aagd niya naman itong sinindihan.

"Nagsisigarilyo ka pala?"tanong ko sa kanya pero di pa rin ito sumagot tumitingin lang ito sa mga ulap."Sa sinabi pala ni Ashton kanina."muli kong pagsabi sa kanya."Alam ko."sagot nito nang di man lang tumitingin sa akin."P-Patawad."sabi ko ulit."Di ko yan matatanggap."sagot nito."A-Alam ko,Zexien,dahil ginamit ko ang damdamin mo,handa akong maghintay,at kung meron man lang sana akong magawa para sayo."sabi ko sa kanya."Natatandaan mo ba ang sa condo?Yung muntik ka nang binugbog?"tanong nito sa akin. Nagulat naman ako dahil tama nga ang hinala ko siya yun."Oo.Salamat rin pala."sagot ko saka yumuko."May kasalanan kang ginawa sa akin,tapos sinagip pa kita,kaya may kabayaran yun."pagpapaliwanag nito.

Napatingin naman ako sa kanya,."Ano ang kabayaran?Handa akong bayaran ang naging kasalanan ko sayo,at ang pagsagip mo sa akin."sagot ko.

Tumingin siya sa akin at lumapit saka niya binuga ang usok nang sigarilyo."Kung ganun,ang kabayaran ay buhay mo."sagot nito."B-Buhay ko?"gulat na tanong ko sa kanya."Oo,hawak ko na ang buhay mo. Dahil ako ang magsisilbing kamatayan mo,Fury."sagot nito kitang kita ko sa kanyang mata ang pagkauhaw niya nang mga buhay,at kinabahan ako dun.

"Walang sino man ang maaring pumatay sayo. Ako lang."sabi nito saka binatawan ang sigarilyo at inapakan niya ito saka umalis.

She is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon