SID 45

978 31 3
                                    

Hunter's Pov

Maaga akong nagising at nadatnan si Zexien na nag-aayos ng almusal. Nagulat naman ako dahil naninibago ako o baka ganito lang talaga siya?

"Hmmmm smells good."rinig kong salita ni Josh mula sa likod ko lumingon naman ako dun at nakita ko itong nagstretching.

Napairap naman ako at tumungo sa lamesa saka binati si Zexien."Good morning,Zexien."bati ko sa kanya."Heyyyyyyyyy Zexieeeeeeeeen~~~"pacute na bati ni Josh.
"Let's eat. We still need to find that decoy guy."sabi nito sa amin."He's not a decoy."sagot ko naman sa kanya."Whatever. So Josh what infos did you get this time????"tanong nito kay Josh."Well,I kind of found the base they used to stay. We can try to get some infos there too."sabi nito kay Zexien."Let's head to that base first then dun naman tayo sa decoy guy."sagot din ni Zexien napairap naman ako sa sinabi nito at kumain na lang. Damn the fried rice is so good.

Dinami ko ang kain ko hanggang sa nag-aya na si Zexien na mag-ayos na kami dahil aalis na kami.

Tulad ng dati walang ka emosyon ang kanyang mukha. Sinabihan ko naman si Lincoln na may aasikasuhin kami ngayon at baka magagabihan kami or what.

Nasa loob na kami ng sasakyan pero si Zexien andun pa rin sa kwarto nito kumatok naman ako sa pintuan nito. Pero di ito sumagot kaya pumasok na lang ako at nakita ko itong nagsisigarilyo. Lumapit naman ako sa kanya."Tell me,Hunter. Have you ever been in love?"tanong nito sa akin
Nagulat naman ako sa tanong nito sa akin kaya hindi ako nakasagot agad. "Di ko na kasi alam ang pakiramdam ng may minamahal. Lahat na lang ng nararamdaman ko ngayon ay nagiging manhid. Alam mo ba minsan na rin ako nagmahal. Tulad ng ibang kwento hindi na punta sa akin ang taong minahal ko. Ano nga ba naman alam ko sa pag-ibig?Ito ba yung kinakabahan ka pag kausap mo siya?"tanong nito sa akin.

Oo.

"Yung nauutal ka pag may gusto kang sabihin sa harapan niya?"sabi nito ulit.

Oo.

"Yung tipong namumula ka kahit maliit na detalye pang gawin niya iba ang ibig sabihin sayo?"pagtutuloy nitong sabi.

Oo.

"Yung naseselos ka ng walang rason?Lahat yun nangyari na."sabi nito sa akin.

Oo.

"May kulang pa ba sa sinabi ko?"tanong nito sa akin."Oo."sagot ko naman nilingon naman niya ako at tiningnan ng maigi."Alam mong mahal mo yung tao na kaya mong isakripisyo ang lahat kahit di mo alam kung tama ba yung nararamdaman mo o baka mali lang yun."paliwanag ko sa kanya. "I don't know. Hunter kelan ka huling yumakap sa tatay mo?Ako kasi halos di ko na matatandaan eh. Hindi ko na alam kung gaano kahigpit si Mama yumakap sa akin,kung gaano kagaan magcomfort si Papa sa akin o kahit yung mga maiingay na bangayan ko sa mga kapatid ko. Di ko to ginusto, Hunter. Kung papapipiliin ako ngayon,mas gugustuhin kong makasama ulit sila. I wish I could turn back time."huling sinabi nito saka lumabas ng kwarto sumunod naman ako sa kanya at malungkot na tinitigan ang kanyang likod.

Mahirap siguro pinagdaanan niya hindi ko siya masisi kung sobrang lungkot niya at pilit niyang pinapatatag ang sarili niya.

Nakalabas na kami ng bahay at sumasandal si Josh sa sasakyan."What took you so long?"tanong nito sa akin di naman ako sumagot saka sumalita naman si Zexien."Let's go. We're not here to chitchat."sabi nito saka sumakay na ng sasakyan. Tiningnan ko ang mukha nito at sumasagi sa isip ko ang pangyayari kanina napapaisip ako kung gaano ka lungkot ang meron siya sa panahong ito.

Mabilis ang biyahe ng sasakyan kaya mabilis rin kami nakarating sa bahay na tinutuluyan ni Miguel Yakuza. Bumaba ako kaagad sumabay naman sila Josh sa akin agad na kaming kumatok sa bahay na yun.

She is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon