CHAPTER 3

164 27 1
                                    

Broken Strings
||Chapter 3||

Pagkatapos naming kumain ni Exo ay pumanhik na agad kami sa study table. Inilabas niya ang laptop niya. Sabi niya tutulungan ko na lang daw siya sa pag-aasikaso sa mga requirements niya. Natapos din namin ang ilan sa mga kailangan niyang tapusin.

I'm used to this anyway. Ngayong mga oras ay nasa coffee shop pa nga ako, pagkatapos ng shift ko ay tsaka ko pa aasikasohin ang mga dapat kong gawin.

"So kailan mo balak turuan kita dito sa Bio para maka-catch-up ka?", I glanced at him who's now stretching his neck.

"Depends with you. But now, I think these major subs muna", he answered while closing his eyes. "I didn't understood a thing kanina. Sana pala hindi na ako nag-absent-absent", dagdag pa niya.

Nakakatuwa lang isipin na pursigido siya kahit papaano na makacatch-up. Hindi pareho sa iba na nagpapaliban na lang. Mga wala pang paki kung bumagsak o magtake ulit.

"Okay.", I said nonchalantly.

May mga notes naman ako kaya tinuturuan ko siya sa mga importante. I taught him about the basics and some key points about our new Major subjects, kahit ako mismo medyo nahihirapan ay atleast may naintindihan naman ako. Ibang-iba ang mga subjects na ito kompara sa past years, pero kakayanin. He catches up well, making me think he doesn't even have to hire tutor.

"Alam mo Exo, bakit mo pa ako kinuha? To think na kaya mo naman pala pag self study?", I asked with creasing forehead. He is currently eating some chips, offering me before answering but I just refuse since I'm not fond of that.

"Yeah? Maybe I can?", he said with unsure voice. "But I don't know where to start", he glance at me with pair of serious eyes and his cold serious voice.

"Sabagay", I answered when I ran out of words to give.

Nagpatuloy kami sa ginagawa namin. Even if this is my first night, marami na din kaming nagawa. Siguro mga 1 or 2 weeks makakaya na niya. I continued to take some notes, noticing him throwing eyes on me, hindi ko naman masyadong binibigyan ng kahulugan.

"How about you Kath? When are you going to do your requirements", tanong ni Exo habang ako ay napatigil sa pagsusulat ko ng notes para sa kaniya.

"Sa umaga ay abala ako. 2:30-8:30 nasa shop ako. Pagkatapos dun, tsaka kopa aasikasuhin", I answered while continue doing my thing and doesn't even look at him.

"Aren't you tired?", maya-maya ay tanong na naman niya.

Syempre nahihirapan ako Exo kung alam mo lang.

Ang swerte mo nga sa buhay mo. Ito lang inaabala mo kahit papaano. E sakin? Ewan ko na lang. I have a bag of shits I carry all the time, all alone.

"Syempre nahihirapan. Pero nakakaya naman. Kailangan kumayod para makapag-aral", pilit na ngiting sagot ko.

I have no choice but to continue. Wala naman kasing mangyayari pag magpapaiwan ako sa nakaraan. Kahit mahirap, kahit masakit, kailangan kong buhatin ang sarili.

"Oh ito! Sa ngayon ito muna basa-basahin mo. Kahit papaano ay may maiintindihan kana kay Prof!", I tried to change the topic. I don't wanna share my dull life to anybody as possible, hindi ko pa kaya. I might brokedown. I just don't feel looking it back, I'm not yet fully recovered internally.

Natapos kami mga bandang alas 10. Sabi niya sa akin ihahatid niya daw ako. Nung una ay umayaw pa ako pero mapilit talaga siya. Mahihirapan daw akong makasakay, kaya hinayaan ko na lang siya.

Pinatigil ko ang sasakyan niya sa kanto pa lang. Medyo malayo pa ang lalakarin ko para makaabot sa apartment. Kapag magpapahatid pa kasi ako sa tapat ay mahihirapan siyang mag backing. Syempre may kasikipan dito.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon