CHAPTER 38

47 6 0
                                    

Hindi na muli pang nagparamdam sa akin si Exo. Sa loob ng isang linggo hindi ko siya nakikitang pumapasok. Wala siyang text at kahit ano mang tawag. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Isa na ding linggo na wala ako sa sarili ko kaiisip sa kanya.

“Nasaan na ang mangliligaw mo Kathy?”, tanong sa akin ni Adelaine. Kinukuha ko na ang mga importanteng bagay sa locker ko dito sa pinagtatrabahuan ko. Nakapagpaalam na din ako ng maayos sa aming manager at ilang service at part-time crews. Aalis na ako dahil ayaw na ni Papa na magtrabaho pa ako at sa susunod na linggo ay lilipat na din ako sa bigay niyang condo.

Nagbuntong hininga na lang ako. Nagbigay ng pilit na ngiti sa kanya bago sumagot.

“May inaasikaso lang”, sagot ko at nagpatuloy sa paglipat ng ilang gamit ko sa aking bag.

Ngumuso siya na parang bata. “Hmm, hindi ko alam masyado ang ganap sa inyo ni Exo. Siguro sinagot mo na ano?”, nakakalokang sabi niya habang nagningning ang mga mata.

Napatawa ako ng bahagya.

Sasagutin pa lang.

Kaso hindi na nagparamdam.

“Asus, matagal-tagal na din yun nanliligaw, hindi na ako magtataka kung kayo na.”, wika niya at tinulungan ako sa aking ginagawa.

“Big time pala ang Papa mo no? Kahit pa hindi ka na nagtatrabaho dito ay wag mo sana kaming kalimutan ah”.

Hinarap ko siya at yinakap.

Syempre hindi ko kakalimutan ang mga taong kahit papaano ay naging kasama ko sa hirap ng buhay.

“Hindi ko kayo malilimutan Adelaine”, sinserong saad ko at kumalas sa pagkakayakap.

“Mag-ingat ka Katherine. God bless sa iyo at sa inyong dalawa ni Exo”.

Ngumiti ako sa kanya bago tuluyang umalis na sa aking pinagtatrabahuan.

Habang naghihintay ng may taxi na dumaan ay biglang may Orange na Nissan Navara ang tumigil sa harapan ko. Napakunot ang noo kong nakatingin sa pamilyar na sasakyan.

Pero ganoon na lang ang pag-atras ko at ang pagkawala ng ekspresyon sa aking mukha ng makita ko ang taong lumabas mula sa sasakyan.

“Kathy..”, usal niya at lumapit pa sa akin.

Humakbang ulit ako paatras. Ano bang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandidito ako?

“Please, can we talk?”, madamdamin niyang tanong na may buong sinseridad at may kung anong ekspresyon ng sakit sa kanyang mga mata.

Nakapag-usap na kami. Baka nga dahil sa pag-uusap na iyon kaya hindi na nagparamdam sa akin ngayon si Exo. Baka nga dahil sa pag-uusap na iyon kaya lumayo muna si Exo para bigyan ako ng espasyo dahil baka iniisip niyang mahal ko pa ang pinsan niya.

“Phil, tapos na ang pag-uusap natin. Tapos na tayo Phil”, seryuso kong tugon. Diniinan ko pa ang huling pangungusap. Baka hindi niya alam. Baka iniisip niyang matapos ang ginawa niya ay may mababalikan pa siya.

“Katherin--”

“Ano ba PhilJames? Ha? Ano?”, parang puputok na ang ulo ko dahil sa inis sa kanya. Pinoproblema ko pa nga ang sitwasyon namin ni Exo dahil sa pagbabalik niya at heto siya ngayon, nandito na naman sa harapan ko.

“I'm sorry”, napapahiya niyang sabi at tumungo pa. Nakalimutan kong nasa gilid ng kalsada pala kami at may iilang taong naagaw ang atensyon.

Nagbuntong hininga na lang ako. Nagsimula akong lumayo sa kanya.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon