CHAPTER 50

88 3 0
                                    

Dumating ang araw ng linggo at sabay nga kaming tumungo sa simbahan ni Exo. Bago magsimula ang misa ay nagtungo muna kaming dalawa sa confessional. Ang gaan-gaan naman ng aking loob pagkatapos, parang nabunutan ako ng isang malaking tinik, mga hinagpis at sakit, hinanaing, galit at iba pa ay nawala sa aking puso. Matapos magkompisal ay dumiretso din kami sa loob ng simbahan, para makapagsimba.

Hindi mapaglalagyan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Totoo ngang hindi maikokompara ang isang relasyon kung saan sentro ang Panginoon sa inyong dalawa.

Matapos ang misa ay dumiretso naman kami ni Exo sa tapat ng simbahan upang magsindi ng kandila at magdasal. Nakangiti ako ng nauna akong matapos kaysa sa kanya.

Ipinagdadasal ko sana ay kahit ano mang unos ang dumaan, hindi matatangay at mawawasak nito ang aming samahan.

Pinagmasdan ko siyang nakapikit, taimtim na nagdadasal. Mas lalo siyang gumwapo, sino ba naman ang hindi mahahalina sa isang lalaking relihiyuso? Kagat ko ang labi at napaiwas na lang ng tingin.

“Are you okay?”, pinipigilan niya ang ngiti habang nagtatanong sa akin. Alam ko naman na wala akong dapat ipangamba, gayong hindi naman mapang-api ang pamilya ni Exo. Sadyang kinakabahan lang talaga ako gayong makikita at makikilala ko na ang ama niya at ang Ate niya.

“Ayos lang ako”, pagsagot ko sabay hugot ng hininga.

Kagat niya pa rin ang sariling labi, animo'y naaaliw na pagmasdan ang aking itsura.

“You sure? You're sweating Babe”, sabay punas niya sa maliit na pawis na nabuo sa aking noo kahit pa nakabukas ang aircon ng kotse. Nasa tapat na kami ngayon ng kanilang malaking gate na binubuksan naman ng kanilang mga katulong.

Hinawakan niya ang aking kamay. “They'll be glad to finally meet you”, at nagmaneho na siya patungo sa loob.

Naunang bumaba ng sasakyan si Exo. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto, sabay lahad ng kanyang kamay. Inabot ko ang kamay niya. Ngiting-ngiti pa rin siya habang magkahawak kamay kaming tumungo sa kanilang dining table.

Hindi pa man kami nakakalapit sa mismong hapag ay kitang-kita ko ang isang babaeng nag-aayos sa mga pinggan sa lamesa.

Wearing her off-shoulder cream dress that's perfectly defining her shape and curves. She tied her hair into a high ponytail. I stared at her. No double eyelids, long narrow nose, perfect lips, well-defined jaw and her gorgeous smile. No way. She must be Genesis!

Para naman akong nalagutan ng hininga ng makita nang personal si Ate Gen. Kung ano iyong ganda niya sa picture at sa videocall dati, mas naman ngayon na malapitan na talaga. Siya iyong babaeng version na pinaghalong Exo at Levi, palangiti at hindi talaga nalalayo sa itsura ng kanyang dalawang kapatid!

Nag-angat siya ng tingin sa banda namin ni Exo kaya ganoon na lang ang mas paglawak ng kanyang ngiti ng makita kami, lalo na ako.

“Oh my gosh! Hi Katherine! Oh my!“, naglakad siya palapit sa amin. Halos kasingtangkad lang kami. Ng makalapit ay ikinagulat ko ang pagyakap niya sa akin.

“Oh my gosh! You're really are pretty in person! Welcome to the fam”, magiliw niyang sabi kaya mas kumabog ang puso ko. At the same time, natunaw naman ito ng mainit niya akong tanggapin sa pamilya nila. This is.. tear-dropping.

“Si Dad?”, naiiling na tanong ni Exo sa kapatid matapos makipagbeso.

“Upstairs. Nagbibihis galing simbahan”, nakangiti ang Ate niyang nakatitig pa rin sa akin.

“Mommy, here are the spoons and forks”, seryusong sabi ng batang lalaki habang nilalapag sa lamesa ang mga kutsara at tinidor. Ng makita naman niya ang banda namin ay umaliwalas ang mukha nito kahit may bahid pa rin ng sungit, lalo na ng makita si Exo.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon