CHAPTER 44

65 4 0
                                    

“Ano? Hindi ka man lang pupunta sa birthday ko?”, nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses niya.

“I still have some things to be done”, at nagsimula akong magperma ng mga papeles. Minabuti ko talagang basahin ng maigi. Kailangan ko ding maaprobahan ang ilan sa mga ito para hindi na gaanong tumambak.

“Taray talaga pag engineer na ah? Ume-english na”, nang-aasar niyang tinig sabay halukipkip.

I looked up to her, with a defeated face.

“Punta ka na Engr. Miranda Cristobal. Magtatampo ako sa'yo”

“Lea, susubukan ko. Pero..”

Pero marami nga kasi akong dapat gawin. May mall tour pa kami, next week. Kada gabi akong nagrereherse. Hindi naman sa nagagalit na sa akin ang manager ko, pero alangan naman wala akong paghahandang gagawin.

“Hindi mo na ako mahal”, tampo niya.

She looks matured on her shoulder level straight hair with a slight red color. Matured but young.

“Mahal ka naman ni Edrix”, pang-aasar ko. Balita ko, magpopropose na daw si Edrix sa kanya. Pero syempre hindi ko sinabi kay Lea, nabalitaan ko lang ng minsan ay magkausap kami ni Benj nang napadalaw siya sa condo.

Napaikot ang mga mata niya. Ngumuso at nilaro-laro ang technical pen ko.

Kusa pa talagang puntahan ako dito para lang sabihan sa birthday niya.

“Tse. Pero seryuso nga, punta ka na”, pagpupumilit niya sabay hila ng bahagya sa braso ko at may ngiti.

“I'll see if I can”

“Anong I'll see if I can? Dapat pupunta ka Kathy! Appointment mo iyon kaya dapat nandun ka”

“Appointment?”, nakataas kong kilay na tanong. Anong appointment ang pinagsasabi niya?

“Oo. Nagset ako ng appointment natin. Sa susunod na linggo. Pumunta ka Engineer. Obligasyon mong pumunta”

“Kailan? Kailan ka nagset?”

“Ha? Hatdog? Syempre ngayon lang. You have an appointment with me Engineer Miranda. Let's just meet each other at the Republic Restaubar. I'll be waiting for your presence”, pormal niyang sabi na animo'y may transaksiyon kaming gagawin.

Bahagya akong natawa habang nailing na lang.

“Punta ka na nga. Please”, pakikiusap niya habang nagtaas baba pa ang mga kilay ng nakakaloko.

Binalingan ko ulit siya ng nakakunot ang noo.

“Wala akong interes sa kung sino man ang ipapakilala ninyo ni Benj. Wag mo ng sakyan ang trip niya”, inunahan ko na siya. Nung minsang birthday ni Benj ay may pinakilala sa akin sila Lea, kung hindi ako nagkakamali ay Cuanco ang apelyido nun na mukha pa yatang kamag-anak sa pinagtatrabahuan ko ngayon.

Humalakhak siya. Iyong tawa na tipong pinipigilan pero di na nakaya.

“Asus. Move on ka na kay Exo—”

“Eleanor”, nagbabanta kong tinig.

It maybe years. Pero, I'll never forget how he leave me that night.

Hindi naman sa nagagalit ako, wala akong karapatan na magalit dahil sabi niya mismo na kailangan muna naming ayusin ang mga sarili namin at magmature, pero, masakit lang na hindi niya pinaniwalaan ang damdamin ko.

Ganun na lang iyon? Umamin na ako at tsaka pa siya aalis at sasabihing 'we need to grow and mature'. Bakit? Immatured ba ako sa panahon na iyon? Tapos may nalalaman pa siyang 'don't force your feelings. I don't want fake emotions'.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon