CHAPTER 32

64 12 0
                                    

Ng mahimas-masan na ako ay tumigil na ang mga luha na nagbagsakan. Pero mahapdi pa rin ang mga mata kong namamaga.

Dumating si Exo na may nag-aalalang mukha. Kaagad siya lumapit sa akin at yinakap ako.


“What happened? ”, tanong niya. Makikita na diretso siyang pumunta rito dahil sa pag-aalala. May naaamoy akong pawis pero mas nangingibabaw ang pabango niya.


Hindi ako sumagot at kusang yumakap pabalik sa kanya.



Kumalas siya at hinarap ako. Pinasadahan ng tingin ang mukha ko at katawan, naghahanap ng posibleng kasagutan.


“Anong nangyari?”, tanong niya ulit.


Suminghap muna ako. Nakaupo ako ngayon sa kama habang yakap ang dalawang tuhod.


“Nakita ko na siya”, panimula ko. Gumaralgal ang boses at ang akalang mga luhang tapos na ibuhos ay nagbagsakan ulit.


“Exo nakita ko na ang totoo kong Ama”, sabi ko at tiningnan na siya.


Andaming tanong na naglalaro sa isip ko. Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi niya ako hinanap noon? Nung naospital ba ako ay kilala na niya ako? Kaya ba mabait siya sa akin dahil alam niyang ako ang nawawalang anak niya? Alam niya bang patay na si Mama? Bakit ngayon lang? Bakit ba ngayon lang kami nagkita at nagkakilala?


Mababakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nagbuntong hininga at mapungay na nakatingin lang sa akin. Hindi siya nagsalita.


“Bakit ngayon lang? Nung nasa hospital ba ako alam na niya? Kung hindi ba ako na aksidente hindi kami magtatagpo?”, tanong ko. Tuluyan nang nabasag ang boses.


“K-kath..”


“Bakit sa panahong wala akong makapitan hindi siya dumating? Bakit sa panahong nasa kadiliman ako hindi siya nagpakita? Bakit sa panahong hirap na hirap ako wala siya? Bakit ba kasi ngayon lang? May maraming pagkakataon na kailangan ko ng ama pero wala siya. Bakit?”, umiiyak na saad ko. Lumapit ulit siya sa akin at yinakap ako. 


Marahan ang pagkakayakap. Ipinaparamdam niya ang pag-aalala at pagmamahal.


“Bakit ngayon lang na nakatayo na ako? Na ayos na ako?”, wala sa sarili kong tanong na may nanghihinang boses.


Kung totoo mang pinahanap niya ako ay dapat matagal na kaming nagkakilala. Bakit ngayon lang? Bakit dumaan pa ang dalawang dekado bago kami magkita?


Anong klaseng ama siya?


Siguro napapahayag niya yung pagmamahal niya sa mga anak niya. Bakit sa akin? Bakit katiting di ko naramdaman? Nung namatay si Papa Bry bakit hindi siya nagpakita?


Nanatili lang nakatingin sa akin si Exo na hindi na nagsalita. Ng tingnan ko din siya ay napaiwas siya ng tingin kaya napakunot ang noo ko.


“Exo..”


“I'm sorry”


Natigilan ako.




“May alam ka na ba tungkol dito?”, tanong ko. Napalitan ng seryusong tingin ang mukha ko. May kinalaman ba ito sa kakaibang napansin ko ng nasa hospital pa ako? Sa mga kilos niya? Sa kanila?


Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakaiwas ng tingin sa akin. Hindi tinutugunan ang aking mga mata.


“Alam mo na ba na ama ko ang Doctor na iyon?”, mas malinaw, seryuso, at malakas kong tanong. Hindi ko alam bakit nagagalit ako sa kanya.



Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon