"Ito table 17", pagbibigay ng tray sa akin ni Elle.
Kinuha ko naman at sandaling hinanap ang lamesa. Isang customer na naka cap, at all black ang suot. Sa aura niya, lalaki siya.
Pamilyar ata siya.
Parang pamilyar ang lalaking ito. Hindi ko naman maaninag ang mukha dahil nakashades. Pero makikita namang matangos ang ilong at makinis ang balat niya.
Pumunta na ako sa gawi niya at ng makarating ay agad inilapag ang tray ng kanyang order.
"Here's your order Sir", sabi ko.
Agad nadin siyang nag-abot ng bayad sa akin. Kinuha ko na din ang bayad at papunta na Sana sa counter para sa sukli niya ng magsalita siya.
"Katherine...", mahinang usal na pero narinig ko at agad naman akong lumingon sa gawi niya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Magkakilala ba tayo?", seryusong tanong ko.
Siya yung lalaki nung nakaraang araw na tinawag din ako sa pangalan ko.
Tiningnan ko siya ng pagkaseryuso. Naghihintay sa kanyang sagot.
Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa tawag. Sandali niya pa akong tiningnan at agad ding sinagot ang tawag.
"Kathy! Ito sa table 25", pagtatawag na sakin ni Adelaine. Tumango naman ako sa kanya.
Tiningnan ko ulit ang pamilyar na lalaki pero hindi pa siya Tapos sa kausap niya. Tinalikuran ko na lang ito.
Nakaramdam naman ako ng biglang paninikip sa aking dibdib. Pamilyar na kirot at sakit.
Pero hindi ko na lang inintindi at nagbalik na sa pagtatrabaho.
Malapit na matapos shift ko. Tiningnan ko naman ngayon si Exo na sandaling titingin sa labas ng bintana. Minsan may katawagan, at madalas nakangiting tumitingin sa akin.
Katulad ngayon. Nakangiti niya akong tinitingnan.
Kalma Katherine...
Kasalukuyan akong naglilinis sa isang mesa ng may nagsalita sa aking likod.
"Yan bang magandang binata sa kabilang lamesa ay syota mo na Hija?", tanong ng isang matandang boses.
Agad naman akong nabalikwas at tiningnan si Lola.
"Lola ginulat niyo naman po ako", sabi ko at napahawak pa sa dibdib
"Pasensya na Hija", sabi niya at nginitian ako. Makikita sa kanya ang pangungulubot ng kanyang balat bagaman makikita din na may angkin siyang kagandahan sa kanyang kapanahunan.
"Inuulit ko, syota mo na ba iyon Hija?", tanong naman niya.
Tiningnan ko si Exo. Kasalukuyan siyang nakatingin sa labas ng bintana. Medyo madilim narin sa labas at pagkatapos ko sa paglilinis nito ay Tapos na ang shift ko.
"Ah hindi po Lola. Manliligaw ko po siya", sagot ko sa kanya at napaupo muna sandali sa harapan niyang upuan.
"Ganoon ba Hija. Abay bakit hindi mo pa sinasagot?", tanong na naman niya at hinigop ang kanyang tsaa.
Nginitian ko naman ang matanda.
"May mga bagay kasi Lola na hindi dapat minamadali lalo pa kung hindi kapa din sigurado sa sarili mo", sabi ko at napayuko kasabay ng pagpakawala ng buntong hininga. "Kailangan mo pang pag-isipan ng mabuti para di ka magsisi sa huli Lola", dagdag ko at inangat ang mukha at peke na ngiti siyang binigyan.
"Kung gayon, ikay nagdadalawang isip pa Hija", wika niya at tumango naman ako.
Ayaw ko pa kasing masaktan na naman ulit Lola.
"Maaaring hindi mo pa alam ang magiging desisyon dahil sa mga posibleng mangyari. Pero diba kapag ito na ang tumibok ay siya na ring simbolo na hindi mali magmahal. Mali ang magsinungaling lalo na sa iyong sarili na Wala kang nararamdaman", sabi niya.
"Ang pagmamahal ay pagsusugal Hija. Di mo malalaman kung tunay ba kung hindi mo susubukan. Lahat ay naranasang masaktan", sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti bago siya umalis.
Natigilan ako sandali sa sinabi ni Lola.
Pero siguro naman atleast maiiwasan ang masaktan?"Uy Kathy baka tapos na ang shift mo", panggugulat naman ni Kuya Joey.
Bakit ang hilig nila manggulat ngayon? Tsk.
"Kuya Joey naman. Wag kang manggulat", sabi ko at agad ng tumayo at kinuha ang pinag-iwanan ng matanda.
"Hahahah", pagtawa niya. "Pero hindi na ako nagulat na mangliligaw si Exo sayo. Una pa lang, alam ko na ganito mangyayari", sabi niya at tatawa-tawa pa rin.
Kinunotan ko naman siya ng noo.
"Asus ko Kath-Kath", wika niya at ginulo na naman ang toktok ng buhok ko katulad ng dati. " Pero syempre pakipot ka muna. Wag easy to get. Dahil ang pinaghirapan, iingatan", dagdag niya at kinindatan pa ako bago tuluyang ngisi-ngising bumalik sa counter.
Tiningnan ko ngayon ang gawi ni Exo. Nakatingin na siya sa akin. Nandiyan na naman ang mga pamatay na ngiti niya. Sumisingkit na naman bahagya ang kanyang mga mata. Idagdag mo pa ang perpekto niyang mga ngipin at maamo niyang mukha.
Nagbihis muna ako bago tuluyang puntahan si Exo. Nakaalis na pala si Lea. May emergency daw siya ayon sa text niya sakin.
Ito na. Kalma Katherine Stencyl. Wag kang praning.
"Saan nga pala tayo? Magtu-tutor pa ako sayo", wika ko. Tinatago ang ngiting kanina pa gustong makawala.
Ngumiti naman siya sakin.
"To the place I know you'll love", sagot niya.
To the place I love? Saan naman yun? Dadalhin niya ako sa Korea ba? Sa London? Paris?
"Saan?", tanong ko. Wag kang assuming Kathy. Baka restaurant lang tinutukoy niya.
"Secret lang Kath. And hmm. You'll still work with me, ayoko na sana but my Mom really wanted to make sure na di ako nagloloko. So, you'll still be with me which is also another good idea", sabi niya at nakasmirk pa.
Nako po!
---•---•---•---•---•---
Vote, comment, share, and enjoy reading:))Mariecool :)
BINABASA MO ANG
Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]
Novela JuvenilKatherine Miranda, a singer solo performer, stop chasing her passion and dream when one painful and shitty night happened. It hurt her, to heart and her soul. She then live in the bitterness and darkness and started to perceive life as dull and full...